
Sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na isinasaalang-alang niya ang posisyon para sa vice presidency sa darating na 2022 Eleksyon upang maiwasan ang pagiging “lame duck” sa kanyang natitirang taon sa opisina.
“Alam mo ‘yun… as a lame duck, posturing ‘yan. Political posturing so that they will not treat you badly,” pahayag ni Duterte sa kanyang speech sa inauguration ng LRT2 East Extension Project.
“To maintain the equilibrium, consider me as a candidate for (the) vice presidency,” dagdag pa ni Duterte.
Tila pinag-iisipan din ni Duterte ang paglilingkod bilang Bise Presidente sa isang pangulo na kabilang sa isa pang ticket.
“Ngayon kung tatakbo ako Vice President, manalo ako, kung hindi ko kaalyado ang Presidente, all I have to do is to join the military and the police in the fight against crime, drugs and criminality,” saad pa ni Duterte.
“Also maybe go around Asean countries for a more cohesive relations between them,” dagdag ni Duterte.
Matatandaan na ang mga miyembro ng kanyang partido ay nagsasabi na tumakbo siya [Rodrigo Duterte] sa pagka Bise Presidente sa darating na hahalan, ngunit wala pang pinal na desisyon si Duterte tungkol sa plano nito sa nalalapit na halalan 2022. #DM
0 comments on “Consider me a VP candidate to avoid lame duck status – Duterte”