Nurse at 2 pang kasama arestado dahil sa ilegal na pagbebenta ng Sinovac vaccine
Kalaboso ang isang nurse at dalawang iba pa matapos maaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa pagbebenta umano ng Sinovac vaccine laban sa COVID-19 sa Quezon City.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Kinilala ang suspek na si Alexis de Guzman, nars ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center sa Maynila.
Naaresto rin ang dalawa pa na sina Calvin Yeung at Kour Singh.
Batay sa pahayag ni NBI Task Force Againts Illegal Drugs Chief Ross Jonathan Galicia, 300 doses ng Sinovac vaccine ang nabawi sa mga suspek.
Aniya, ibinibenta ng mga suspek ang naturang bakuna sa mahigit isang milyong piso. Ang kanilang pinagbebentahan umano ay ang mga Chinese national na nagtatrabaho sa POGO.
Nagbigay naman ng pahayag ang Manila Health Department na ang pamunuan ng ospital ang siyang magsasagawa ng hiwalay na imbestigasyon ukol sa kinasasangkutan umano ng kanilang nurse. #DM
You must be logged in to post a comment.