Banner Story NEWS PULITIKA

Manny Villar, nagbigay tribute sa kontribusyon at pagiging public servant ni PNoy sa Pilipinas

Binigyang pagkilala at pagtanaw ni dating Sen. Manny Villar ang yumao na si dating Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino at ang legacy na iniwan niya sa Pilipinas.

Binigyang pagkilala at pagtanaw ni dating Sen. Manny Villar ang yumao na si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino at ang legacy na iniwan niya sa Pilipinas.

Si Villar at Aquino ay magkatunggali noong 2010 presidential elections kung saan idineklarang panalo si Aquino.

Aniya, naalala ni Villar ang pagkamalikhain ni Aquino sa paglilingkod sa publiko. Sinabi niya na sila ay magkaribal na kalaunan ay naging magkaalyado dahil ang pagkakaiba ay maaring isantabi para sa mas mabuting pamumuhay ng mamamayan.

“When I was still in public service, I always assumed that every one of my fellow servants in government and politicians had the interest of the nation at heart; that they entered politics and government to serve the people. That’s how I viewed Noynoy even as we engaged in a political battle for the presidency,” saad ni Villar.

“He was a public servant who had a vision for the country. My vision and my strategies differed from his but I did not question his desire to make our country better. Politics is an arena of competing ideas with the people as ultimate judges,” dagdag pa ni Villar.

Aniya, sa mundo ng politika ay hindi kailangang putulin ang ugnayan ng bawat isa sapagkat mas mahalaga ang bumuo ng maayos na samahan kaysa wakasan ito.

“I do not see politics as an excuse to pummel a political opponent to the ground. I believe in reaching out and working together with others to achieve common goals,” ani Villar.

Ibinahagi rin ni Villar ang pag-alaala sa namayapang ina at dating Pangulong Corazon Aquino, ang ina ng demokrasya ng Pilipinas. Aniya, hindi raw siya kailanman naging estranghero ni Cory, patunay nga na tinulungan pa siya sa kanyang pangangampanya at madalas inaaya si Villar na makipagkita sa kanya sa mga simbahan sa iba’t ibang bayan sa buong Luzon at sabayan ito na magdasal.

“She was praying the rosary in all of these towns and she wanted me to join her. One of her paintings still hangs on the walls of my house,” dagdag pa ni Villar.

Binigyang-diin ni Villar na ang mga kontribusyon ni Aquino sa bansa ay hindi kailanman dapat ipagsawalang saysay, sapagkat ang taumbayan ang susuri nito, hindi ang bots at trolls.

“President Noynoy has done his tour of duty, both as president and as a person. Just like everyone else, and just like everything else in life, there have been triumphs and miscalculations,” pahayag ni Villar.

“His legacy as a public servant will be judged by history, not by political partisans,” ani Villar. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Manny Villar, nagbigay tribute sa kontribusyon at pagiging public servant ni PNoy sa Pilipinas

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: