
Hindi baba sa 31 katao ang namatay habang 40 iba pa ang nasugatan matapos bumagsak ang isang C-130 na sasakyang panghimpapawid ng Philippine Air Force (PAF) sa Sulu ngayong Linggo [July 4] ayon sa military force.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, 92 ang sakay ng eroplano kabilang ang tatlong piloto at limang crew. Una nang nakapagtala ng 17 death toll.
Bandang 5:30 p.m. ng hapon kanina, naitala naman ang 29 na mga nasawing Army personnel at dalawang (2) sibilyan kung saan natagpuan ang mga katawan nito sa bayan ng Patikul.
Aniya, galing sa Lumbia Airport sa Cagayan de Oro City ang eroplano at magla-landing sana sa Jolo Airport sa Sulu nang bumagsak ito bandang alas 11:30 kaninang umaga.
Ayon sa Joint Task Force Sulu, bumagsak ang eroplano sa Sitio Amman sa Barangay Bangkal. Ang ilan sa mga pasahero ay mga bagong Philippine Army privates.
“We remain to be hopeful that we could find more survivors. Our search and rescue is still ongoing with 17 personnel unaccounted. This individuals were supposed to report to their battalions today. They were supposed to join us in our fight against terrorism,” pahayag ni Joint Task Force Sulu Commander Major General William Gonzales. #DM
Pingback: Larawan ng mga bayaning nasawi sa C-130 plane crash sa Patikul, Sulu – DM DIGITAL NEWS