NEWS PULITIKA

Alegasyon ni Pacquiao sa “Missing funds” cash aid program ng DSWD, itinanggi

"NO MISSING FUNDS" Mariing itinanggi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang alegasyon ni Sen. Manny Pacquiao sa nawawalang pondo sa diumano'y cash aid para sa low-income families sa ilalim ng restriksyon sa pagresponde ng COVID-19 pandemic.

“NO MISSING FUNDS” Mariing itinanggi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang alegasyon ni Sen. Manny Pacquiao sa nawawalang pondo sa diumano’y cash aid para sa low-income families sa ilalim ng restriksyon sa pagresponde ng COVID-19 pandemic.

Ito ang naging reaksyon ng ahensya sakabila ng alegasyon at imbestigasyong sinagawa ni Pacquiao patungkol sa nawawalang cash aid o ayuda para sa mga hindi nakapag-download ng Starpay app.

“All aid distributed is supported by liquidation reports that can be shared, if necessary. The agency ensures that the processes adopted by FSPs (financial service providers) on payouts are in accordance with BSP (Bangko Sentral ng Pilipinas)-approved processes and existing government accounting rules and procedures,” pahayag ng DSWD sa isang statement.

Ayon pa sa DSWD na kanilang tinerminate ang serbisyo ng FSPs, kasama ang Starpay nitong Abril 2021 na nagtulak sakanila na manu-manong ipadala ang mga payout para sa hindi nakapag-reserba ng second tranche ng cash aid para sa mga benepisaryo nito.

“The FSPs, including Starpay, liquidated the budget that they received and refunded the amount for the unserved beneficiaries to the DSWD,” nakasaad sa kanilang statement.

Nitong July 2, 2021, sinabi ng DSWD na nakatanggap na ang mahigit 14.88 million low-income families ng second tranche ng cash aid o mahigit P89.9 billion disbursed.

Samakatuwid, nasa mahigit 17 million poor families ang nakatanggap ng first tranche na cash aid o mahigit P98 billion ang naipamahagi.

Handa namang humarap ang naturang ahensya para sa paglilitis sa alegasyon sa kanilang hanay sakabila ng pagpuna ni Sen. Pacquiao. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Alegasyon ni Pacquiao sa “Missing funds” cash aid program ng DSWD, itinanggi

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: