
Nagbabadya na namang magpatupad ang mga kumpanya ng langis sa bansa ng dagdag-presyo sa kanilang produktong petrolyo sa darating na Martes, [July 6, 2021].
Batay sa industriya ng langis, posibleng tumaas ng P1.00 hanggang P1.10 kada litro ang presyo ng gasolina at inaasahang 5 sentimos na dagdag-presyo sa diesel at kerosene.
Ang napipintong price hike o adjustment ay bunso ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.
Sakaling maipatupad, ito na ang ika-anim na sunud-sunod na linggong bugso ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa. #DM
0 comments on “Presyo ng gasolina, nagbabadyang tumaas ng P1.10 kada litro”