
Sinimulan na ang pagbabakuna para sa mga vendor at driver sa Divisoria lungsod ng Maynila, ayon sa lokal na pamahalaan nito.
Sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na ang special vaccination hours ay handa na para sa mga nagtatrabahong vendors sa Divisoria na walang panahon para pumila sa maghapon para magpabakuna at dahil na rin sa pagnanais ng nakararami ay pinagbigyan ang kanilang mga kahilingan na magkaroon ng vaccination sa gabi.
“Ngayong gabi po ay sinimulan na po natin ang pagbabakuna sa Recto para sa mga kargador, driver, pahinante, pedicab driver, kuliglig driver, vendor ng isda, gulay at karne na mula sa Maynila, Northern Luzon, Central Luzon at Southern Luzon na nagtatrabaho sa Divisoria Night Market.” pahayag ni Mayor Isko sa kanyang official Facebook account.
Sinabi naman ng Manila Health Department na mahigit 720 manggagawa sa Divisoria ang nabakunahan na ng first dose sa unang gabi ng naturang vaccination program ng lungsod. #DM
0 comments on “Overnight Vaccination para sa mga Vendor at Driver sa Divisoria, sinimulan nitong Linggo”