NEWS PULITIKA

Roque kay Pacquiao: “Akala ko Atom bomb, Watusi pala”

Wala nang dapat pag-usapan pa sa mga alegasyon ni Sen. Manny Pacquiao matapos niyang ilahad ang korapsyon umano sa hanay ng kaniyang partidong kaanib, ang PDP-Laban, ayon kay Spokesperson Harry Roque.

Wala nang dapat pag-usapan pa sa mga alegasyon ni Sen. Manny Pacquiao matapos niyang ilahad ang korapsyon umano sa hanay ng kaniyang partidong kaanib, ang PDP-Laban, ayon kay Spokesperson Harry Roque.

Sa pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ang naturang alegasyon ni Pacquiao ay isang, “Walang kwenta. Walang ebidensiya” na napatunayan dahil ito ay isang general statements lamang at walang sapat na ebidensyang magpapatunay ng katiwalian sa mga pulitiko sa PDP-Laban.

“Watusi po. Akala ko atom bomb. Watusi pala,” saad ni Roque.

“Hindi ko alam ano pa ang dapat nilang pag-usapan eh inuna na niya (Pacquiao) ang media,” ani Roque.

Inisa-isa ni Pacquiao ang korapsyon sa naging pahayag nito matapos din siyang hamunin ni Duterte na ilabas o ilantad niya [Pacquiao] ang mga tiwali sa kanilang partido at mismo si Duterte ang gagawa ng paraan para masipa ang mga ito.

Ilan sa mga nais bigyang-linaw ni Pacquiao sa kanyang mga alegasyon ay patungkol sa: COVID-19 response expenses; ang pagbili ng PPE, antigen tests, at distribusyon ng cash aid para sa mga mahihirap nating kababayan sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP). #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Roque kay Pacquiao: “Akala ko Atom bomb, Watusi pala”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: