
Nagbabala si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga nagbebenta ng ilegal na COVID-19 vaccines na papatawan ng kaukulang parusa ang mga gumagawa nito sa bansa.
“This is very alarming. We condemn these acts and we will not allow perpetrators to go unpunished,” saad ni Duterte sa kanyang weekly Talk to the Nation.
“I order every relevant authority to investigate this matter thoroughly and press charges accordingly,” paglilinaw ni Duterte.
Ayon kay Dutere, ang mga bakuna na ibinibigay ng libre ng pamahalaan para sa immunization program ng ating bansa sa bawat indibidwal. Ang naturang mga bakuna ay under emergency use authorization at hindi ito pinahihintulatan para ipagbili sa merkado o i-commercialize.
“Government will take care of that. Maski kayong mga ano mahirapan kayo so do not press your luck too far, you might regret it,” dagdag ni Duterte.
Kamakailan napaulat ang tatlong sangkot kasama ang isang nurse na nagbebenta umano sa mga Chinese national ng Sinovac vaccines sa Maynila. #DM
0 comments on “Duterte, nagbabala sa mga ilegal na nagbebenta ng COVID-19 vaccines sa bansa”