[by Athena Yap]
Karaniwang babae ang nahihilig sa grooming and fashion tips noon at hanggang ngayon, ngunit dahil sa social media ay maging ang kalalakihan ay nawili na rin maghanap ng hacks kung paano kaya nila maa-attract si crush o maski basta mag-mukhang mas presentable.
Marami ngayon naglalabasan sa iba’t ibang social media platforms na ideya kung paano i-level up ang style o pumantay sa style ng kanilang mga idolo.
Isa diyan ay ang pananamit ng simple. Hindi kailangan ng masyadong maraming che-che-bureche. Maaring magsuot lamang ng plain colored shirts gaya ng mga T-shirt sa VTLS na gawang lokal ngunit dekalidad ang gawa.
Importante na hindi lamang basta fashionable o presentable, dapat ay komportable rin sa balat ang sinusuot na damit para wala na’ng unnecessary movements kapag haharap na sa ibang tao.
Pangalawa, dapat inaalagaan din ang balat sa mukha para hindi madi-distract ang kausap kung mayroon mang pimple sa mukha. Pinaka mabisang paraan para alagaan ay gumamit ng moisturizer at toner mula sa mga kilalang brand lalo na sa local brands gaya ng Tikas o di kaya’y kumonsulta sa mga dermatologist.
Hindi naman ibig sabihin na kapag ang lalaki ay conscious sa balat ay hindi na tunay na lalaki. Sa katunayan, mas nahuhumaling ang kababaihan kapag ang lalaki ay maalaga sa sarili.
Higit sa lahat, lalong importante na dapat ay kumakain ng masusustansyang pagkain dahil ito ay nakatutulong din na mag-mukhang fresh at mas maaliwalas sa pakiramdam. #DM
0 comments on “Tips para sa mga lalaking nais mag-level up ang looks”