Sumambulat sa ating bansa ang isang trahedya matapos bumagsak ang C-130 plane ng Philippine Air Force sa Patikul, Sulu nitong Linggo, July 4, 2021.
Ayon sa mga pag-uulat, ang C-130 na eroplano ay lulan ang 91 pasahero na magdadala sana ng mga tulong o mga relief at ang pagsasagawa ng emergency operations, partikular ang mga suplay para sa COVID-19 at mga bakuna.
Sinasabi na lumagpas sa runway ang piloto sa paglapag sana ng eroplano at nawalan ng control na naging dahilan ng pagbagsak nito at tuluyang sumabog na rumagasa sa ilang mga kabahayan sa nasabing lugar. Marami ang nasawi at nasugatan at may mga nadamay ding sibilyan.




Matapos ang ilang araw na imbestigasyon at pagsasagawa ng DNA tests ay nabatid na rin ang mga pagkakakilanlan ng mga nasawi sa naturang trahedya. Narito ang mga larawan;
Binisita naman ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga nasawing sundalo sa naturang plane crash upang magbigay pugay sa kabayanihan ng mga nasawing sundalo sa hindi inaasahang pangyayaring ito.
Itinuturing na ito ang pinaka-masalimuot na kaganapan sa kasaysayan ng bansa ngayong taon sa hanay ng PAF na may higit 40 na nasawi at marami ang nasugatan. #DM
Balikan ang balita sa link na ito:
0 comments on “Larawan ng mga bayaning nasawi sa C-130 plane crash sa Patikul, Sulu”