
Ibinalik ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkules [July 07], ang mandatory na pagpi-prisinta ng negatibong resulta ng COVID-19 test sa mga biyahero na kumpletong bakunado na.
Matatandaan na una nang binawi ng DOH ang nasabing kautusan ngunit humirit ang mga lokal na gobyerno dahil hindi pa plantsado ang kani-kanilang mga polisiya ukol dito.
Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III sa isang panayam sa kanya sa TeleRadyo, na ang dating resolution ay mayroong testing. Kaya naman, paplantsahin nila na amiyendahan ang Resolution No. 124-B ngayong araw.
Ang dayalogo na ito ay kasama rin ang Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) at League of Provinces of the Philippines.
“Yung sistema kasi natin sa ngayon ay parang good faith lang muna, yun ay kikilalanin natin itong vaccination card,” ani Duque.
“Kapag pineke mo ito, this is a public document… ay mapapatawan ka ng kaparusahan, dagdag pa ni Sec. Duque. #DM
You must be logged in to post a comment.