
Pinasalamatan ni Duterte si Japanese Prime Minister Yoshihide Suga sa donasyon na bakuna para sa ating mga kababayan na mas marami pa ang mababakunahan sa ating bansa.
“Let me thank the government of Japan and the Prime Minister Yoshihide Suga for working with the Philippine government in ensuring equitable access to COVID-19 vaccines,” saad nu Duterte sa kanyang maiksing talumpati kagabi sa Villamor Air Base sa Pasay City, matapos dumating ang bakuna mula sa Japan.
“These more than one million doses of AstraZeneca vaccine will surely go a long way in our quest for herd immunity,” ani Duterte.
Dumating ang cargo mula Japan na naglalaman ng 1,124,100 doses na mga bakuna bandang alas 8:00 p.m kagabi. Sinalubong ito ni Pangulong Duterte, kasama si Health Secretary Francisco Duque III, si National Task Force chief implementer Carlito Galvez Jr., at iba pang mga government officials.
“Japan continues to be our strong partner in various development programs. Our cooperation in fighting the pandemic is truly an indication of the deep friendship between our two countries,” dagdag pa ni Pangulong Duterte.
Sinabi ni Duterte na ang donasyin mula sa Japan ay patunay na isang malakas na relasyon o ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa, na siya namang iniulit ni Japan Embassy’s Economic Minister Masahiro Nakata, na nakasaksi rin sa pagtanggap ng Pilipinas ng naturang bakuna. #DM
0 comments on “Duterte, nagpasalamat sa donasyon ng Japan sa mahigit 1 M AstraZeneca COVID-19 vaccines”