Kinainggitan ng mga fan ang isang babae sa Ormoc City na inalalayan ng Mayor-actor na si Richard Gomez habang nagpapabakuna.

Ayon kay Goma, nakita kasi niya na ninenerbyos ang ale habang inihahanda para mabakunahan. Kaya naman bilang gentleman, hinawakan ng aktor ang kamay ng ale para alalayan ito.
Ang ibang kababaihan naman sa comment section ay napa-sana all.
Hiling ng iba na sana ay mahawakan din nila ang kamay ni Goma habang binabakunahan.
Hinangaan din ng iba ang aktor sa pagiging gentleman nito.
Hindi rin nagpahuling mag comment ang kaibigan nitong si John Estrada.
“Ang hindi nila alam takot ka rin sa karayum bestfriend,” hirit ni Estrada.
“Kaya nga naiintindihan ko yung situation niya,” tugon naman ni Goma. #DM
0 comments on “Goma pinakalma ang babaeng ninenerbyos sa bakuna”