
Inaasahan ng Pilipinas na mapalakas ang pagsasagawa ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) habang sinisikap na makakakuha ng 16 million coronavirus vaccines ngayong buwan ng Hulyo.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles sa isang panayam sa ABS-CBN TeleRadyo nitong Linggo [July 11], aabot na sa mahigit 33 million doses sa katapusan nitong buwan.
Aniya, mahigit 3 million doses ang dumating sa bansa sa mga nagdaang linggo.
Sinabi pa ni Nograles na 20.6 million vaccine doses ang dumating na sa Pilipinas nitong July 9 mula nang unang tumanggap ang bansa noong Pebrero galing China.
Sa kabuuan, mahigit 10.4 million doses ang binili ng gobyerno, 7 million doses naman sa ilalim ng isang global initiative for equal access, mahigit dalawang milyong dosis ang ibinigay at ang natira ay binili naman ng ilang lokal na pamahalaan at pribadong kumpanya.
“We expect 16 million doses for the month of July alone,” saad ni Nograles sa wikang Tagalog at Ingles.
Inaasahan naman ng pamahalaan na mapapabilis ang rollout ng pagbabakuna na may 70 porsiyento sa NCR sa darating na Nobyembre ngayong taon. #DM
0 comments on “16M vaccines, inaasahan ng gobyerno ngayong buwan ng Hulyo”