
Inihayag ni Bise Presidente Leni Robredo nitong Linggo [July 11], ang pagkontra sa pag-abolish ng licensure exams na iminungkahi ni Labor Secretary Silvestre Bello III.
“Ang exams hindi naman ito ‘yong walang purpose. Ang purpose nito ay para i-test kung pumasa ka sa standards ng profession mo. Hindi siya puwedeng tatanggalin,” saad ni Robredo.
“Halimbawa, ayaw mo na magkaroon ng professional exams later on, kailangang i-overhaul mo ang buong education system na nagpo-produce noon,” dagdag pa niya.
Sa kanyang weekly radio show, sinabi ni Robredo na siya ay sumasang-ayon sa mga kontra kay Bello. Aniya, kailangan pag-aralan ang buong sistema ng edukasyon kung dapat nga ba tanggalin o alisin ang board exams sa bansa.
Lumutang ang ideya ng pag-abolish sa licensure exams dahil sa high financial costs ng pag-aaral at pagkuha ng mga board examinations, na ang pagtatapos mula sa Commision on Higher Education – accredited institution ay sapat na.
Nilinaw ni Bello na hindi kasama ang mga licensure exams para sa Philippine Nurses Association at Professional Regulation Commission.
Maging si Chief Justice Alexander Gesmundo na hindi rin sang-ayon sa pag-abolish ng Bar exams sa bansa.
Samantala, agad namang tinanggihan ni PNA national president Melbert Reyes ang panukala ni Bello ang ideya na ito sa isang pagpupulong patungkol sa health worker deployment ban noong nakaraang Linggo. #DM
0 comments on “Robredo, hindi sang-ayon sa pag-abolish ng licensure exams sa bansa”