[by Athena Yap]

Matagal na’ng lumipas ang Valentines at halos katatapos lang ng Pride Month pero walang maka-aawat sa sweet post ng komedyante na si Chad Kinis kasama ang non showbiz Taiwanese boyfriend na si Nikko Alano Chua.
Ipinagdiwang kasi nila kamakailan lamang ang kanilang unang monthsary bilang mag-boyfriend at all out na ibinahagi ni Chad sa kaniyang Instagram kung gaano siya kasaya sa relasyon nilang dalawa.
“Thank you for coming into my life and making me feel loved every minute of everyday. I love you babe,” mensahe ni Chad sa dyowa.
Marami ang kinilig sa post ni Chad lalo’t kung makikita ay halos magdikit na ang labi nilang dalawa. Aba’y napa-sana all talaga ang mga fan lalo na ang kabekihan na supporters ng komedyante. #DM
0 comments on “Chad Kinis at jowa na Taiwanese, kilig much sa IG”