
Wagi sa isinagawang survey para sa presidential elections ang Duterte-Duterte tandem na si Pangulong Rodrigo Duterte at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na may posibilidad na manalo ang mag-ama sa darating na Halalan 2022.
Sakaling tumuloy sa pagtakbo si Pangulong Duterte sa pagka-Bise Presidente at ang kanyang anak na si Sara sa pagka-Pangulo, hindi malayo na manalo ang mag-ama sa susunod na halalan.
Isinagawa ang pagsusuri sa 2,400 respondents sa pamamagitan ng Pulse Asia, na ginanap sa pagitan ng Hunyo 7 at 16. Pasok si Pangulong Duterte sa top 15 potential candidates para sa pagka-bise presidente, na may 18% ng boto, at ang kanyang anak na si Sara Duterte ay nanguna sa pampanguluhan na posisyon na may 28% support.
Naniniwala ang mga kritiko ni Duterte na maaari niyang mapanatili ang kanyang kapangyarihan sa pamamagitan ng ikalawang pinakamataas na posisyon sa bansa.
Matatandaan na sinabi ni Sara Duterte-Carpio, 42, sa media na siya ay bukas sa posibilidad na tumakbo para sa pagka-Pangulo sa darating na halalan 2022. #DM
You must be logged in to post a comment.