Entertainment

Ryan pinagtawanan ni Juday

Halos 'di na magkandarapa sa katatawa ang award winning actress na si Judy Ann Santos dahil sa dinanas ng mister niya sa pagpapabakuna.

[by Athena Yap]

Halos ‘di na magkandarapa sa katatawa ang award winning actress na si Judy Ann Santos dahil sa dinanas ng mister niya sa pagpapabakuna.

Kahit natatakpan ng mask ang kalahati ng mukha ni Juday ay ‘di maikakaila na malala ang pagtawa niya dahil sa nangungusap niyang mata.

“2nd dose done! Nagsimula ng seryoso, nag ending sa pakabugan ng entry sa pagturok! isang mahalagang paalala.. wag po magsusuot ng polo na mahigpit ang manggas,” caption ni Juday sa post kung saan makikita ang litrato ng eksena sa kanilang vaccine day.

Halos maghubad na si Ryan dahil hindi madaling iaangat ang sleeves ng kaniyang polo-shirt kaya kinailangan ng aktor na mag-unbotton at itabingi ang pagsuot ng damit upang mailabas ang braso para mabakunahan.

Kaya naman gaya ng nasa caption ni Juday, magsuot sana ng maluwag na shirt o kaya sando kapag magpapabakuna para hindi magaya sa kaniyang mister.

Actually, hindi lang si Juday ang tawang tawa sa ganap na iyan dahil maging si Ryan mismo ay natawa sa dulot ng pagsusuot niya ng masikip na shirt.

“my most daring role ever,” hirit pa ng aktor. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Ryan pinagtawanan ni Juday

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: