NATIONAL NEWS

Metro Manila, balik sa normal GCQ hanggang Hulyo 31

Balik na sa normal na general community quarantine (GCQ) ang National Capital Region (NCR) simula ngayong araw [July 16] hanggang katapusan ng buwan, kasama ang 29 na lugar sa bansa, matapos aprubahan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

image: Rappler

Balik na sa normal na general community quarantine (GCQ) ang National Capital Region (NCR) simula ngayong araw [July 16] hanggang katapusan ng buwan, kasama ang 29 na lugar sa bansa, matapos aprubahan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang video message, inanunsyo ni Presidential Spokesman Harry Roque nitong Huwebes, July 15, na bukod sa Metro Manila, ilan sa sumusunod na mga lugar ang isasailalim sa normal GCQ simula ngayong araw [July 16] hanggang July 31, 2021: Baguio City, Apayao, City of Santiago, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Bulacan, Cavite, Rizal, Quezon, Batangas, Puerto Princesa City, Guimaras, Negros Occidental, Zamboanga Sibugay, City of Zamboanga, Zamboanga del Norte, Davao Oriental, General Santos City, Sultan Kudarat, Sarangani, Cotabato, South Cotabato, Agusan del Norte, Surigao del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Sur, at Cotabato City.

Ang mga sumusunod na lugar ay isasailalim sa GCQ with heightened restrictions hanggang sa katapusan ng buwan, maliban sa ika-8 hanggang ika-11 na bilang;

  1. Cagayan
  2. Laguna
  3. Lucena City
  4. Naga City
  5. Negors Oriental
  6. Zamboanga del Sur
  7. Davao City
  8. Aklan (hanggang Hulyo 22)
  9. Bacolod City (hanggang Hulyo 22)
  10. Antique (hanggang Hulyo 22)
  11. Capiz (hanggang Hulyo 22)

Ang probinsya ng Laguna, ang nag-iisang lugar sa NCR plus bubble area na mananatili sa GCQ with heightened restrictions.

Siyam na lugar naman ang isasailalim sa  modified enhanced community quarantine (MECQ) simula Hulyo 16 hanggang Hulyo 30; Bataan, Cagayan de Oro City, Davao Occidental, Davao de Oro, Davao del Sur, Davao del Norte, Butuan City.

Ayon kay Roque, ang quarantine classification ng Iloilo province at Iloilo City ay tinitignan pa kung magbabago ang numero nito.

“Kung hindi po mag-improve ang ating mga numero, ay posible po na mabago muli ang classification ng Iloilo City at Iloilo,” aniya.

Paliwanag ni Roque nitong Miyerkules, ang pagluluwag sa restrictions ay nakadepende sa datos ng COVID-19 sa lugar. ###

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Metro Manila, balik sa normal GCQ hanggang Hulyo 31

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: