[by Athena Yap]

Lubhang malungkot na ibinahagi ng beteranang singer na si Kyla Alvarez sa publiko na siya ay nakunan.
Sa kasamaang palad, ikatlong beses na mangyari ito na hindi siya pinalad na mailabas nang buhay ang kaniyang ipinagdadalang bata.
“My heart is broken in levels deeper than you may ever have imagined,” ani Kyla kalakip ang litrato nilang dalawa ng panganay na anak nila ng mister na si Rich Alvarez.
Tunay na walang makapagsasabi sa lungkot na sinapit ngayon ng naturang singer.
“Our little angel, please watch over me, your daddy and Kuya Toby. Send our hugs and kisses to your 2 siblings in heaven. We love you, Millie,” dagdag pa ni Kyla.
Bumuhos naman ang pag-comfort sa kaniya ng mga kaibigan sa showbiz industry at mga fan.
0 comments on “Singer Kyla, nakunan sa pagbubuntis”