
Mahigpit na binabantayan ngayon ng Philippine Coast Guard Station Albay sa isang barge na sakay ang 12 tripulante na nagpositibo sa COVID-19.
Ayon sa PCG, tinitiyak nila na hindi umiba ng ruta ang barge Claudia at tugboat na MT Clyde. Dumating sa Port ng Butuan Agusan del Norte mula Indonesia nitong July 14 at umalis din ng July 18.
Ayon sa report na nakalap, sumailalim ang mga crew sa COVID-19 RT-PCR test habang nasa naturang pantalan ang mga ito.
Matapos ang pagsasagawa ng COVID-19 testing, agad namang inabusihan na may 12 crew nito ang nagpositibo sa naturang sakit, habang naglalayag ang barko patungong Albay.
Dahil dito, agad na itinawag ni Captain Francisco Vargas sa PCG Station Albay nitong Linggo [July 18] ang ulat at ang kanilang posisyon kung saan sila ay nasa may baybayin ng Western Samar.
Aniya, isa sa 12 nagpositibo ay nakababa na sa Butuan City kaya 11 na lamang na crew ang onboard.
Siniguro naman ng kapitan ng barko na hindi pabababain ang iba pang positibo sa virus na walang tamang koordinasyon sa mga otoridad.
Inatasan na rin ng pamunuan ng PCG ang lahat ng Coast Guard districts at units sa buong bansa na subaybayan ang lahat ng barko at crew o pasahero na posibleng may dalang Delta variant lalo na sa Philippine border malapit sa Indonesia at Malaysia sa Southern part ng Pilipinas. #DM
0 comments on “12 Crew ng Barge galing Indonesia, nagpositibo sa COVID-19; isa dito, nakababa na sa Butuan City”