
Hiniling ng mga alkalde ng Metro Manila na suspendehin muna ang permiso ng IATF na makalabas ang mga bata edad 5 pataas bunsod ng banta ng Delta variant sa ilang mga lugar partikular sa National Capital Region, ayon kay MMDA chairman Benhur Abalos Jr.
“Hinihiling po sana namin sa IATF na ‘yong polisiya sa 5 years old pataas ay baka puwedeng isuspende muna sa Metro Manila dahil nga po meron kaming kaso dito at medyo tumaas po ang kaso dito. Sa dahilan po na ang 5 to 17 ay hindi bakunado at sila po ay posibleng maging superspreaders,” sabi ni Abalos sa televised Cabinet meeting ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte nitong Lunes ng gabi, [July 19, 2021].
0 comments on “Mga bata edad 5 pataas, bawal muna lumabas bunsod ng Delta Variant”