
Nagpositibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) si Davao City Vice Mayor Sebastian “Baste” Duterte, ayon sa kanyang kapatid na si Mayor Sara Duterte-Carpio.
“Sa ngayon, via video call muna ang family kumustahan nang malaman naming positive sa COVID-19 si Vice Mayor Baste. Get well soon Vice!” sabi ni Mayor Sara sa kanyang social media page kasama ang screenshot ng kanilang videocall ng kanilang pamilya.

Hindi binanggit kung kailan ba nagpositibo sa naturang virus ang nakababatang Duterte. #DM
0 comments on “Davao City Vice Mayor Sebastian “Baste” Duterte, nagpositibo sa COVID-19”