
DOLE: “Endo” bill, inaasahan na masertipikahan ng Pangulo para umusad na ito sa Senado

HIHILINGIN ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Malacañang na agad sertipikahan ang “Endo” bill, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III.
Sa isang online briefing ng kalihim, aniya, nakatakda silang magpadala ng liham kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte upang kanilang hilingin na ma-sertipikahan ang Endo bill sa lalong madaling panahon para sa ikapapanatag din ng loob ng mga ordinaryong manggagawa na umaasa na huwag mawakasan ang kanilang paninilbihan o paggawa sa kani-kanilang pinapasukan.
“Para gumalaw ‘yan, we are going to request the President to certify this Endo bill para once and for all ay matapos na itong issue ng Endo.” pahayag ng kalihim.
“Pagka-sinertify ‘yan, ibigsabihin first in the agenda ‘yan. So hopefully after his SONA, and we get the certification from the President, we will see this bill acted upon by the Senate. Kasi pumasa naman yan sa House of Representatives,” dagdag pa ni Bello.
Nitong Lunes [July 19], nagsagawa ng kilos-protesta sa tanggapan mismo ng DOLE ang mga manggagawa para igiit na wakasan na ang kontraktwalisasyon sa gobyerno.
Sakabilang banda, umaasa si Bello na mabigyang pansin at matuldukan na ang usapin na ito sa huling sesyon at sa pamamagitan ng suporta ng Pangulo. #DM
About Post Author
rexmolinesblog
Related
More Stories
1000-Piso Polymer Banknotes, available nang mawi-withdraw sa maraming ATM’s sa bansa – BSP
Mas marami ng 1000-piso polymer banknotes ang maaaring ma-withdraw sa iba’t ibang automated teller machines (ATMs) sa buong bansa,...
VP Sara, viral sa kanyang suot na crop top
Nag-viral ang mga larawan ni Vice President Sara Duterte dahil sa kanyang pagsuot ng crop top para sa Christmas Party...
Maharlika Investment Fund? It’s about Time or Not?
House Speaker Martin Romualdez — Marcos’ cousin — filed House Bill 6398 that seeks to establish what would be known as...
US Vice President Harris, nasa ‘Pinas
MANILA, Philippines -- Dumating sa Pilipinas si US Vice President Kamala Harris nitong Linggo ng gabi mula Bangkok, Thailand. Makikipagpulong...
NOGRALES POSITIVE ON ADOPTION OF ILO C190 IN PH
by Ella Luci Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles said he is optimistic that government offices, private businesses, and other...
Marcos, inaasahang matatalakay ang Food Security and Energy sa APEC Summit 2022
BANGKOK, Thailand -- Lumapag na nitong Miyerkules ng gabi [November 16] si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa Thailand kung...