ESPESYAL Food LIFE & STYLE

GiraSOL Tagaytay: Damhin ang panlasang Espesyal

Dito sa GariSol Tagaytay, tinitiyak na puno ito ng pag-asa dulot ng haring-araw na nakatutok sa pagiging positibo at pagsang-ayon sa ganda ng buhay.

[Ni sid luna Samaniego]

Gaya ng ngalang taglay, umiikot at umuusbong ang halamang sunflower sa tulong ng haring-araw. Dahil dito, pinapahalagahan ang yaman ng buhay.”

Ginawa ang iba’t ibang pagkain mula sa pinaka-sariwa at pinaka-dalisay na mga sangkap na tinamo sa diwa ng pakikipagsapalaran sa sarap at pamilyar na timpla nito. Napaka-simple subalit mahusay na nailahad…

Atin pang tuklasin ang panlasang hatid ng mga piling-piling masasarap na lutuin – parehong espesyal at pang-araw-araw

Ipinares mula sa mga piling alak at iba pang inumin para mailabas ang tagong lasa nito at ang bawat kagat ng pagkain ay sasabog sa sarap. Hatid nito ang hindi makakalimutang karanasan habang-buhay.

At sa pagharap sa araw at silweta ng buhay, tiyak na kasiyahan ang nadarama sa likod nito.

Dito sa GiraSol Tagaytay, tinitiyak na puno ito ng pag-asa dulot ng haring-araw na nakatutok sa pagiging positibo at pagsang-ayon sa ganda ng buhay.

Damhin ang sarap at ligayang taglay ng mga inumin at masasarap na pagkain.

Gamit ang pinakamahusay na likhang pagkain, ginawa ang mga piling espesyal na pagkain na sobrang sarap at malinamnam.

Narito sila upang ihandog at ialay ang pagnanasa na matikman ang hatid na panlasang espesyal.

Kung kaya’t ating damhin ang ating ligaya sa pag-inom ng alak, tag-ulan man o tag-araw at pagtulog ng mahimbing sa kanilang marangyang mga kuwarto.

Ang GiraSol Tagaytay ay nagpapamalas ng tunay na halaga…ganda…at saya ng buhay.

Ang pagkaing Pinoy na lutuin ay sinadyang inihatid mula sa masang panlasa. Ang Experience Savory Meals ay dulot ng sariling tanim sa halamanan.

Ang karanasang kaswal dito ay siguradong ramdam dahil nga sa masasarap na pagkain hatid para sa inyong kaginhawahan at kasiyahan.

Mula sa maliit na haing-pagkain hanggang sa super espesyal na mga lutuin, tiyak na mabubusog at masisiyahan kayo. Ito ang maipagmamalaking pamamaraan sa pagsasalu-salo ng bawat pamilya, grupo o samahan, at magsing-irog.

Halina at ipagdiwang ang hindi malilimutang alaala ng ating pamilya at mga kaibigan sa pamamagitan ng masasarap na pagkain, inumin, at tuwa.

Maaaring gamitin ang kanilang lounge, mezzanine, at mga kwarto para sa isang salu-salo, parties, at iba pa. Tunay na kakaibang karanasan at alaala ang hatid ng GiraSol Tagaytay para sa inyo.

NAPAPANATILING SARAP NG PAGKAIN, ALAK, AT MALINIS NA HALAMANAN:

Ang alak at inuming alay sa inyo ay galing sa ubasan na taglay ang likas na sarap nito. Walang kabawasan sa pagpapanatili ng pangangalaga sa kapaligiran. Nagbuhat pa sa ibang bansa kaya’t tiyak ang pagiging tunay at kakaiba nito. Kakambal pa ang kasaysayang mayroon ito mula sa mga lumikha ng de-kalibreng alak at inumin.

Alak na makakapagbigay saya at makapag-aanyaya ng diwa ng espesyal at repleksyon.

Halina at bisitahin ang The Cellar para sa inumang sosyal na sadyang inihatid sa mundong ito.

Sa inyong pagtulog at paggising, hatid pa rin ang karanasang mahirap kalimutan, kasabay ng pag-aagahan ng espesyal.

Lahat ng kwarto dito ay inayos at pinaganda ayon sa Hotel Style, may malaking TV, at piling pang-agahang pagkain para sa mag-asawa at magsing-irog.

Ang Sunflower Suite Roof Top Suite ay sinadyang ilagay upang matanaw ang luntiang paligid nito at ganda ng Taal Lake.

Mayroon din itong King size bed, Balkonahe, at makabagong bathroom at shower.

IPAGDIWANG ANG ENGRANDENG ALAALA NG ATING BUHAY:

Ating bigyang halaga ang selebrasyon na may pag-ibig, tuwa, at karanasang taglay. Ang GiraSol Tagaytay ay narito upang ihatid ang tiyak na hindi makakalimutang karanasan sa inyong pagtigil dito, mula sa kaaya-ayang paligid at di-malilimutang serbisyo.

Damhin ang sarap ng pagkain na sadya ay para sa inyo. Ang inuming anong sarap din na sinaliwan pa ng romantikong musika.

Handa na ba kayo? Tayo ng ipagdiwang ang buhay!

KASAL:

Hayaan ninyong dito gawin ang selebrasyon ng inyong kasal.

Dito ninyo pagsama-samahin ang inyong pamilya at kaibigan upang matunghayan ang di-malilimutang kasalan.

Bunga nito’y pag-asa at ligaya ng buhay mag-asawa. Tagay na!

KAARAWAN:

Ito ang pinakamahalaga at espesyal na araw sa ating buhay. Dito natin ipagdiwang ang iyong kaarawan kasama ang lahat ng pamilya ng buhay. Hatid nito’y alaalang di-malilimutan.

Masarap na pagkain at inumin at ligayang ramdam panghabang-buhay.

PAGPUPULONG:

Sa pagkakataon na ito, tayo’y lumabas sa ating opisina at pumili ng isang lugar na makakapagbigay ng bagong ideya at magpapalakas ng opinyon para sa ating tagumpay.

Habang nagpupulong, samahan ng espesyal na mga lutuin at inumin at tiyak ang positibong resulta ng pag-uusap at pagpaplano para sa magnadang kinabukasan.

Masaya kang tumigil dito at umuwi kang bitbit ang tagumpay ng buhay!

Ano pang hinihintay mo, tara na! Pasyalan ang ganda ng GiraSol Tagaytay, Hotel and Restaurant na matatagpuan sa Aguinaldo (Tagaytay-Nasugbu) Highway, Alfonso Cavite. Ang GiraSol Tagaytay ay bukas araw-araw mula alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng gabi. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “GiraSOL Tagaytay: Damhin ang panlasang Espesyal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: