Mga Tripulante ng Barge at Tugboat sa Albay, nananatiling Asymptomatic

Read Time:52 Second
image: from the official Facebook page of Philippine Coast Guard

Nanatiling malakas at normal ang body temperature ng 19 tripulante kabilang ang 11 nagpositibo sa COVID-19, ayon kay Captain Francisco Vargas, ang kapitan ng MT Clyde.

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

Aniya, wala rin silang iniindang sintomas ng COVID-19 at nananatiling positibo ang pag-iisip sakabila ng kinahaharap ng mga ito.

Sa litratong kuha ng Philippine Coast Guard (PCG) Station Albay nitong Miyerkules [July 21], makikita roon na kumakaway pa ang isa sa mga tripulante nang kumustahin sila ng PCG maritime security and monitoring team.

Nakatakda sumailalim sa RT-PCR test ang mga tripulante na isasagawa ng Department of Health (DOH) at Bureau of Quarantine (BOQ).

Sinisiguro naman ng PCG, katuwang ang Office of Civil Defense (OCD) Region 5, Bicol IATF, BOQ, LGU – Sto. Domingo, Police Provincial Office (PPO) Albay, at Municipal Police Station (MPS) Sto. Domingo na maibibigay ang  lahat ng pangangailangan ng mga tripulante para sa kanilang seguridad at kaligtasan.

Samantala, nagpapatuloy naman ang mahigpit na pagbabantay ng PCG sa barge at tugboat. ###

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post TAGGUTOM SA TAG-ULAN?
Next post BANGKA DE REFRIGERATOR: Baha sa Rosario, Cavite

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d