Photo News PROVINCIAL

Panukalang–batas ni Rep. Hernandez para sa pagtatag ng “Third District” sa probinsya ng South Cotabato, inaprobahan ng House Committee on Local Government

[by Rashid RH. Bajo] KORONADAL CITY (R12), Philippines –– Masayang ibinalita ni Deputy Speaker South Cotabato 2nd District Rep. Atty. Ferdinand “DINAND” Hernandez sa mga mamamayan ng probinsya ang pag–apruba ng House Committee on Local Government ng House of the Representatives sa kanyang House Bill No. 9421, kung saan ang panukalang–batas para sa pagtatag ng ikatatlong–distrito sa kanyang probinsya.

[by Rashid RH. Bajo]

KORONADAL CITY (R12), Philippines –– Masayang ibinalita ni Deputy Speaker South Cotabato 2nd District Rep. Atty. Ferdinand “DINAND” Hernandez sa mga mamamayan ng probinsya ang pag–apruba ng House Committee on Local Government ng House of the Representatives sa kanyang House Bill No. 9421, kung saan ang panukalang–batas para sa pagtatag ng ikatatlong–distrito sa kanyang probinsya.

Sa kanyang Facebook account, sinabi ni Rep. Hernandez na inaprobahan ng House Committee on local Government ang nasabing panukalang–batas nito noong Miyerkules (July 21, 2021).

“HB 9421 seeks to establish a third legislative district in South Cotabato, which will be comprised of the Municipalities of Lake Sebu, Norala, Sto. Niño, Surallah, and T’boli,” sabi ni Rep. Hernandez.

“Given the total population and wide land area of the current composition of the second legislative district of our province, it is our view that reapportioning the said district and establishing a third one will be beneficial to the constituents of the said towns,” dagdag pa ng nasabing kongresista.

Iginiit ni Rep. Hernandez na ang layunin nito sa paglatag ng nasabing panukalang–batas ay “to ensure that the Upper Valley residents, especially the members of the indigenous groups in Lake Sebu and T’boli, will be sufficiently and properly represented in the Congress.”

“Moreover, this bill will also allow another representative to lobby for funds, propose programs and projects, and champion measures for the betterment of the proposed legislative district and the rest of the province.”

Umaasa si Rep. Hernandez, kasama ang libo–libong mga residente ng Upper Valley area ng probinsya, para sa “passage” (or pag–aproba) ng nasabing panukalang–batas nito sa third regular session ng Kongreso.

Napag–alaman ng Diyaryo Milenyo na maraming mga batas ang nailatag ni Rep. Hernandez magmula noong unang–termino nito bilang bagong halal na kongresista ng second district ng nasabing probinsya at hanggang ngayon.

Ang ilan sa ginawang mga batas ni Rep. Hernandez na inaprobahan ng Kongreso ay ang konbersyon at pagtatag ng South Cotabato State College at ang pagbuo ng SOCSKSARGEN General Hospital. #DM

0 comments on “Panukalang–batas ni Rep. Hernandez para sa pagtatag ng “Third District” sa probinsya ng South Cotabato, inaprobahan ng House Committee on Local Government

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: