
Muling maghihigpit ang quarantine status sa National Capital Region at 4 na probinsya simula ngayong araw (July 23) hanggang July 31, 2021 matapos aprubahan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte na inanunsyo ni Palace Spokesman Harry Roque ngayong araw.
Isasailalim sa GCQ with heightened restrictions ang Metro Manila, kabilang ang 4 na probinsya; Ilocos Norte, Ilocos Sur, Davao De Oro, at Davao Del Norte.
Kabilang din ang mga establisimiyento gaya ng restaurant sa kani-kanilang dine-in services na may 20% capacity lamang at sa mga al fresco o outdoor dine-in services na may seating capacity na 50%.
Maging ang personal care services; salons, beauty parlors, barbershops, at nail spas na hanggang 30% capacity lamang. Pinagbabawal na rin ang mga bata na lumabas mula edad 5 taon pataas.
Ito’y bunsod pa rin ng nagpapatuloy na pandemya sa bansa at ang dumadagdag na kaso ng mga nagpopositibo sa Delta variant sa bansa. #DM
0 comments on “QUARANTINE UPDATE: NCR at 4 probinsya, isasailalim sa GCQ with Heightened Restrictions simula ngayong araw hanggang Hulyo 31”