BSP: Lyka payment system, ipinatigil ang operasyon

Read Time:1 Minute, 39 Second
image: gadgetpilipinas.net

Pinatigil ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang isang social media platform na Lyka ang kanilang operasyon bilang Operator of Payment Systems (OPS) dahil sa kakulangan ng pagpaparehistro nito, ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno nitong Biyernes, July 23.

“It has come to our knowledge that Lyka, a social media platform launched in the Philippines by a Hong Kong-based company, allows its users to purchase, exchange, and use Gift cards in Electronic Mode or GEMs as payment for goods and services,” saad ni BSP Governor Benjamin Diokno sa kanyang virtual press briefing.

Sinabi ni Diokno na nagbigay abiso na ang BSP sa pamunuan ng Lyka na pansamantalng suspendehin ang kanilang aktibidades bilang OPS na magpa-rehistro muna ang kanilang kumpanya bago ito magbalik-operasyon.

Ang suspension ng OPS operation ng Lyka ay alinsunod sa Republic Act No. 11127 o ang National Payment Systems Act (NPSA).

Samantala, ang BSP Circular No. 1049 ay nagbibigay paraan sa patakaraan at regulasyon sa pagpaparehistro ng mga Operator of Payment System.

Ang pagpaparehistro ng OPS ay nagbibigay pahintulot mula sa BSP na gamitin ito para masiguro ang maayos na operasyon sa bawat transaksyon na gagawin sa mas ligtas, mahusay, maaasahan at kapaki-pakinabang na paggamit nito.

Ang Lyka ay isang Hong Kong-based company na inilunsad dito sa Pilipinas upang mapadali nito ang electronic payment transactions sa pamamagitan ng social media platform na kanilang nilikha para sa bawat indibidwal na makagagamit nito lalung-lalo na sa mga sikat na personalidad na patuloy nilang nagagamit at napapakinabangan ito dahil sa mga points na kanilang ini-earn sa nasabing OPS.

Samantala, sinabi ni Diokno na ang operators ng Lyka ay bukas sa pagpaparehistro nito sa BSP bilang OPS.

Pinaaalalahanan din ng BSP na ang lahat ng mga gumagamit ng ganitong uri ng payment system o Gift cards in Electronic Mode o GEMs ay dapat sumunod sa mga kinakailangang pagpaparehistro sa BSP alinsunod sa ilalim ng NPSA at BSP Circular No. 1049. #DM

About Post Author

rbmreports

One of my expertise is to write stories for SMEs and make them published in digital and print. I also write Ad copywriting, slogans and taglines, Tagalog poems, and inspirational/motivational videos.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post QUARANTINE UPDATE: NCR at 4 probinsya, isasailalim sa GCQ with Heightened Restrictions simula ngayong araw hanggang Hulyo 31
Next post Peace Monument Unveiled in Cotabato City
%d bloggers like this: