P45-B ilalaan para sa higit pang mga bakuna sa darating na 2022
Naglaan ang pamahalaan ng Pilipinas ng P45 billion para sa mas maraming coronavirus vaccines sa susunod na taon, habang sinisikap ng gobyerno na bakunahan ang buong populasyon ng bansa, ayon sa Department of Finance nitong Sabado [July 24],
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!“I don’t think we are good only until six months,” saad ni Finance Secretary Carlos G. Dominguez III sa isang televised meeting kasama si Pangulong Rodrigo Duterte, na kanyang tinutukoy ang budget para sa bakuna.
“I think we are good beyond 2022.” saad ng kalihim.
“The question is, how do we use that money? Are we going to need booster shoots? Are we going to need another set of vaccinations?” tanong ng kalihim kay Duterte.
“Whatever it is, please tell us so that we can properly allocate these funds.” ani Dominguez.
Sinabi pa ni Dominguez na ang Pilipinas ay makatatanggap ng 171 million doses ng bakuna bago matapos ang taon. Aniya, ang mga natanggap na ng bansa ngayong taon ay higit pa sa sapat para mabakunahan ang buong adult population sa bansa.
Sa pagtatala, ang Pilipinas ay mayroon ng kabuuang 30.98 million vaccine doses, kasama ang shots na binili ng gobyerno at donasyon ng iba pang bansa. Mahigit 6 million vaccine doses set ang darating pa ngayong linggo. #DM
You must be logged in to post a comment.