Millennialista Tinig ni Rex Molines

SONA 2021: KONGKRETONG PAGTUGON SA PANDEMYA AT EKONOMIYA ANG HIGIT NA KAILANGAN

Halos tatlong oras ang ginugol ng mamamayang Pilipino para saksihan ang ika-anim at huling State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kahapon (Hulyo 27, 2021).

image: official Facebook page of Sen. Bong Go

Halos tatlong oras ang ginugol ng mamamayang Pilipino para saksihan ang ika-anim at huling State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kahapon (Hulyo 27, 2021). Batid kasi ng lahat na ito ang tamang pagkakataon para ilahad ng Pangulo ang kanyang mga nagawa, mga gagawin pa, at ang mga usaping patuloy na nakabinbin sa isipan ng madla. Mataas ang expectation nating lahat na masasagot ng Pangulo ang mga isyu na patuloy na kinakaharap ng ating bansa subalit, tila hindi ito ang inaasam ng nakararami sa atin sa pagbalangkas ng huling pag-uulat ni Pangulong Duterte.

SONA? SONA nga ba talaga ito? O, nanonood lang ako ng weekly televised ni Duterte. Hindi ko “nalasap” iyung inihain ng Pangulo. Para akong nakaramdam ng sintomas ng COVID-19 habang pinapanood ang SONA ng Pangulo. Hindi rin kasi ito ang inaasahan kong ipahahayag ng Pangulo. Tila nawalan ako ng panlasa, pang-amoy, at nilagnat sa haba ng kanyang pag-uulat na kung saan-saan din naituon. Sana hindi magalit sa akin ang mga DDS, hindi ako kontra kay Duterte ngunit hindi ito ang pag-uulat na nais ko ring marinig sa kanyang pag-uulat sa bayan. Kung may sintomas ang COVID-19 para matukoy kung infected ka ng veerus (ika nga ni Duterte), ganun din ang SONA ng Pangulo. Sintomas na lubos ding nakaapekto sa aking pananaw. Ang mga sintomas na aking naramdaman ay ang;

“KAWALAN NG PANLASA” SA MGA USAPING PANG-BAYAN, PANDEMYA, KABUHAYAN AT EDUKASYON:

Hindi ko malasap ang lutuing inihain ng Pangulo. Lutuin na dapat nakuha na niya ang nais malasap ng mamamayan kaugnay sa mga usaping hindi niya pinagbuksan ng espasyo na mapag-usapan pa dahil hindi iyon ang sentro ng kanyang talumpati. Gaya ng kung ano nga ba ang direksyon o “blueprint” natin sa pagharap sa nagpapatuloy na pandemya sa bansa? Ang paulit-ulit niyang sambit patungkol sa maaaring sapitin ng Pilipinas sakaling makipagbakbakan tayo sa China sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea (WPS). Aniya, hindi natin kayang humarap sa digmaan dahil wala tayong sapat na armas. Wala na bang paraan o solusyon na pwede nating magawa? Tingin ko, hindi ito ‘yung solusyon na nais nating makamit o marinig. Usaping tungkol sa edukasyon na tila hindi niya rin nabigyang tugon. Ang usaping pang ekonomiya, ang lagay ng mga maliliit nating kababayan sa kaliwa’t kanang pagtaas ng mga pangunahing bilihin at ang hindi pagbanggit ng Pangulo sa mga buhay na nagwakas sa unang-anim na buwan na panunugkulan ni Duterte sa kanyang war on drug, at iba pang mga usapin na tila napanis na lamang sa tagal ng panahon. Ito ‘yung panlasa na nais sanang malasap ng lahat para manumbalik ang panlasang Pinoy kung paano natin unang niyapos ang mga salita at gawi ni Duterte noong siya ay tumatakbo sa pagka-Pangulo.

“KAWALAN NG PANG-AMOY” SA TUNAY NA KONDISYON NG BANSA:

Ipinaamoy sa atin ni Pangulong Duterte ang pagmamalaki nito sa kanyang mga proyektong nagawa umano ng kanyang administrasyon partikular ang “war on drugs”, ang pagsasabatas ng pagbibigay ng libreng legal assistant sa PNP at AFP personnel. Pagtaas ng sahod ng mga pulis at sundalo para mapataas ang kanilang moralidad. Nakatulong din aniya ang pagbubuo ng NTF-ELCAC laban sa kontra insurgency. Ang mga drug laboratory ay nawala na rin subalit may mga umaangkat pa rin ng ilegal na droga na hirap pa ring matukoy. Ang pagpasa ng Organic Law para sa Bangsamoro sa tulong na rin ng kongreso. At ang pagtatapos umano ng rehabilitasyon sa Marawi City.Ipinagmalaki rin ng Pangulo ang kanyang BuildBuildBuild high ticket projects, mga proyektong pang-imprastraktura, ang LRT-2 project extension, ang New Clark City Terminal, at ang pagbabawas ng mahabang pila sa mga transaksyon sa gobyerno, maging ang pagsasakatuparan ng national ID sa pamamagitan ng PhilSys at ang pag-proseso ng passport at driver’s license sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya, ang implementasyon sa EDSA decongestion program ng DPWH, at marami pang iba. At ang muling pasaring ng kanyang gigil sa usaping prangkisa ng ABS-CBN dahil sa diumano’y bilyun-bilyong unpaid taxes nito sa gobyerno na kinumpirma naman ng BIR na walang pagkakautang ang ABS-CBN sa gobyerno.

Tila inaapoy na ako ng lagnat dahil sa mga nasaksihan ko sa kanyang ika-huling SONA. Wala pa ring kalinawan o kongkretong solusyon sa naging pag-uulat ng Pangulo para sa ikabubuti ng mamamayan. Hindi rin nais ng karamihan na bigyang tugon ng kasalukuyang administrasyon ang BuildBuildBuild projects nito. Ang kailangan ng taumbayan ay ang pagtugon sa pandemya, ang pagtulong na magkaroon ng hanapbuhay ang bawat Pilipinong patuloy na nasasadlak sa kahirapan at kagutuman dulot ng pandemya. Inaasahan ng taumbayan sa nalalabing mga buwan ni Pangulong Duterte sa Malacañang ay matutukan at magampanan ng kanyang administrasyon ang mas higit na mga pangangailangan ng taumbayan, ang pag-responde sa pandemya at ang panunumbalik ng ating matatag na ekonomiya. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “SONA 2021: KONGKRETONG PAGTUGON SA PANDEMYA AT EKONOMIYA ANG HIGIT NA KAILANGAN

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: