Editoryal

DANGAL AT HUSAY, KARANGALAN NG BAYAN

Sa magkaparehong araw nitong Hulyo 26, 2021 dalawang malalaking balita sa kasaysayan ng Pilipinas ang sumalubong sa ating lahat; ang huling SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte at ang kauna-unahang Olympic Gold Medal ng Pilipinas na nasungkit ng isang Pinay na si Hidilyn Diaz matapos magwagi sa women’s 55-kg weightlifitng event sa 2020 Tokyo Olympics na ginanap sa Tokyo International Forum sa Japan.

Sa lahat ng mga kinakaharap ng ating bansa, may magagandang balita pa rin tayong nasisilip upang magbigay sa atin ng inspirasyon at katatagan sa buhay. Sa magkaparehong araw nitong Hulyo 26, 2021 dalawang malalaking balita sa kasaysayan ng Pilipinas ang sumalubong sa ating lahat; ang huling SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte at ang kauna-unahang Olympic Gold Medal ng Pilipinas na nasungkit ng isang Pinay na si Hidilyn Diaz matapos magwagi sa women’s 55-kg weightlifitng event sa 2020 Tokyo Olympics na ginanap sa Tokyo International Forum sa Japan.

Habang nananood ako ng TeleRadyo sa programang SRO (Suhestiyon, Reaksyon, at Opinyon) nina Alvin Elchico at Doris Bigornia, tila pumalakpak din ang aking tainga at nais kong sumigaw dahil sa magandang balitang dumating para sa ating bansa at kapwa Pilipino. Nang mga oras ding iyon, marami ang nagpaabot ng papuri at pasasalamat sa atletang minsan ding hinusgahan, binalewala, at hinamak ng pagkakataong makaramdam ng kakulangan ng suporta mula sa mga nangangasiwa sa sangay ng palakasan at ng pamahalaan.

Ngunit hindi iyon naging balakid kay Hidilyn, patuloy niyang ipinamalas ang kanyang kahusayan. Batid niya ang kanyang kakayahan at kung ano ang maibibigay niyang parangal para sa bayang dinadakila. Marami siyang napatunayan at minsan na ring naikwento ang kanyang buhay sa isang programa ng ABS-CBN. Minsan ko na rin siyang naisulat sa isang pahayagan noong siya ay nagwagi sa 2019 Southeast Asian Games gold medalist sa 59 kg category ng 2020 Ocean Weightlifting Federation (OWF) – Eleiko International Lifters Tournament.

Isang araw matapos ang kanyang pagkapanalo, dumagsa na ang maraming tulong at mga perks o rewards para kay Hidilyn. Ilan sa mga tulong na matatanggap ng Pinay atleta ay ang P5 milyon mula sa Phoenix Petroleum plus lifetime na gasulina, magbibigay din ng house and lot ang Century Properties na nagkakahalaga ng P4 milyon, at condo mula sa Megaworld na tumataginting na P14 milyon. Ang gobyerno ay magbibigay din ng P10 milyon alinsunod sa National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act, P10 milyon naman mula sa business tycoons na sina Ramon Ang at Manny Pangilinan, P3 milyon kay Rep. Mikee Romero, at P2.5 milyon mula sa kanyang hometown sa Zamboanga City. Bukod dito, magbibigay rin ang Philippine Airlines ng lifetime free flights habang 80,000 free miles per year na lifetime din at marami pang dadagsang tulong at pabuya para kay Hidilyn. Ngayon ay ating aantabayanan ang pagsalubong sa pagbabalik ni Hidilyn kasama ang iba pang mga atletang nagbigay karangalan sa bansa.

Tunay lamang na maging ang mga atleta ay dapat nating tanawin ang kanilang kahusayan, sakripisyo at pagtitiyaga sa kani-kanilang mga pag-eensayo at ang mapalayo sila sa kanilang mga pamilya na naging sentro rin ng kanilang pagpupursigi sa buhay at ang nakadikit na ngalan ng ating bansa na kanilang nirerepresenta sa buong mundo upang ipagmalaki at itayo ang ating pagkakalinlan sa larangan ng palakasan. Panigurado, bubuhos pa ang marami pang tulong para kay Hidilyn at sa iba pang mga atletang nakipagsapalaran din at sumabak sa naturang kompetisyon. Isang malaking pagbati at pasasalamat ang nais ko ring iparating sa ating mga atletang manlalaro ng taon. Dangal at kahusayang inyong ipinamalas, tunay na matatag ang Pilipino kapag lahat ay nagtutulungan at nagmamalasakit ng walang pag-alinlangan. Mabuhay ang mga manlalarong Pinoy!

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “DANGAL AT HUSAY, KARANGALAN NG BAYAN

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: