[by Athena Yap]
Karaniwang post ng mag-asawang Neri at Chito Miranda ay appreciation, kahit anong sweet o pakulo tungkol sa kanilang relasyon.

Pero kamakailan lang ay tila naiba ang timpla ng kanilang post. Basag na puso ang letratong inupload ni Chito, habang si Neri naman ay black and white moisted na bintana ang post.
Hindi lamang ang letratong inupload nilang dalawa ang nakababahala para sa mga kaibigan at fans, mas nakadagdag alarma ang caption nila sa magkahiwalay na post.
“Akala ko walang magbabago at sobrang okay na lahat.. pero bakit hindi na tulad ng dati? Bakit may bahong patuloy sumisira sa pagsasamang nakasanayan natin (broken heart emoji)” daing ni Chito.
“Tag ulan na talaga. Maraming pumapasok sa isip mo kapag ganitong panahon. Minsan napapaisip ka… kahit ginawa mo na ang lahat, parang hindi pa rin sapat. May kulang pa ba?” sabi naman ni Neri sa kaniyang caption.
Marami tuloy ang napa isip kung ano kaya ang problema ng mag-asawa. Ngunit mayroon din mga fan na masyadong malawak ang pag iisip na sinasabing baka ito ay bahagi lang ng ads o bagong kanta ni Chito. #DM
0 comments on “May nagbago; Chito, Neri may problema mag-asawa?”