NCR Mayors, handa na para sa dalawang-linggong ECQ; Cash aid magmumula sa national government

Read Time:1 Minute, 2 Second
image; GMA News

Pumayag ang mga Alkalde ng National Capital Region sa mahigpit na panukala o stricter quarantine mula sa Inter-Agency Task Force dahil sa pagsipa ng COVID-19 cases sanhi ng Delta variant, ayon kay Metropolitan Manila Development Authority chairman Benhur Abalos.

Sa isang pahayag ni Abalos nitong Miyerkules ng gabi, aniya, handa na ang mga mayor sa Metro Manila na isailalim sa enhanced community quarantine sa loob ng dalawang linggo ang kanilang nasasakupan kung ang national government ay may sapat na pondo para sa pagbibigay ng social amelioration program.

“After heeding the advice of health experts and assessment of the 17 Metro Manila mayors, it was agreed to strictly enforce the PDITR, and request at least four million vaccines to protect the NCR population against the possible spread of the dangerous Delta variant of COVID-19,” saad ni Abalos.

“Needless to say, SAP is important to address the concerns of underprivileged families as they will be the ones who will be greatly affected by the ECQ declaration,” dagdag pa ni Abalos.

Kung sakaling isailalim ang Metro Manila sa ECQ, ang mga Alkalde ay nangangailangan ng mahigit 4 million vaccines sa capital region, na kanilang gugugulin sa nagbabadyang two-week period ECQ. #DM

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post DANGAL AT HUSAY, KARANGALAN NG BAYAN
Next post Balik-ECQ ang Metro Manila simula Agosto 6
%d bloggers like this: