
Barbie, Jack ni-report ang nagpapakalat na hiwalay na sila
[by Athena Yap]
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Kamakailan ay naging katuwaan at laman ng social media ang tsismis na hiwalay na sina Barbie Forteza at Jack Roberto dahil umano sa hindi pag bigay ng exchange gift ni Jack noong monthsary nila.

Marami ang nabiktima sa naturang balita kaya’t agad nag-trend ito.
Mukhang trip na trip ng naturang page ang naturang celebrity couple dahil makalipas ang ilang oras ay muling nag post ito na nagbalikan na raw sina Barbie at Jack.
Umabot ito sa celebrity couple at agad din nilang inaksyonan ang fake news na ito.
“125K reactions, 25K comments & 68K shares and counting… to whoever made this, you’re welcome” sabi naman mismo ni Barbie mula sa kaniyang social media post.
Pinakiusapan na rin ng aktres na ireport ng mga fan niya ang page na nagpakulo ng fake news na iyon. #DM