Sadyang hindi maikukubli ang kagalakan at kasiyahang nararamdaman ng mga atleta na nagwagi sa Olympics matapos nilang masungkit at maiuwi ang gold medal bilang representasyon ng ating pagkakakilanlan sa larangan ng internasyonal na palaro.

Gaya sa mga nagkalat na retrato ni Hidilyn Diaz matapos na masungkit ang ilan sa mga medalya sa mga nagdaang laban nito, makikita na kagat niya ang kanyang medalya. Lalo pa nang maiuwi niya ang kauna-unahang gold medal ng bansa sa 2020 Tokyo Olympics.
Kadalasan kung bakit ito kinakagat ng mga atleta ay para makita o maramdaman na authentic o totoong gold ang naturang medal. Hindi ito gustong gawin ng mga atleta, mas nais nila na ito ay suot-suot sa kanilang leeg.

Sa katunayan, sa tuwing matatanggap ng mga atleta ang kanilang gold medal, sinasabihan sila ng mga photographer na kagatin ang kanilang gold medal habang hawak ito.
Tradisyonal itong ginagawa sa Olympics upang makakuha ng mas magagandang shots na matatawag na “iconic image” ng mga nagwaging atleta sa naturang kompetisyon na kanilang ipinamalas ang husay at pagiging matatag sa lahat ng kanilang laban. #DM
0 comments on “Bakit nga ba kagat ng Atleta ang kanilang Gold medal?”