
Habagat, patuloy na magpapa-ulan sa malaking bahagi ng bansa partikular sa Ilocos, CAR, Cagayan Valley, Zambales at Bataan
Patuloy na makakaapekto ang Southwest Monsoon o Habagat sa bansa ngayong Lunes, (Agosto 2), na inaasahang magpapaulan sa maraming lugar, ayon sa PAGASA ngayong umaga.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!
Makararanas ng maulap at kalat-kalat na pag-ulan, kulog at kidlat ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Zambales, at Bataan. Inaasahan din ang pagbaha at landslides sa mga lugar na nabanggit.
Ang Metro Manila at kalapit probinsya ay makararanas din ng makapal na kaulapan na may kalat-kalat na pag-ulan, kulog at kidlat.
Inaasahan din ang pagtaas ng alon sa baybayin o coastal area na aabot sa 4 na metro.
Binabantayan naman ng PAGASA ang tropical depression na may layong 2,195 km east northeast ng Extreme Northern Luzon kaninang 3 a.m. ng umaga. Na may lakas ng hangin na 45 km/h at may bugsong aabot ng 55 km/h. Ang naturang tropical depression ay kumikilos sa 25 km/h.
Sumikat ang araw kaninang 5:40 a.m. at lulubog mamayang 6:25 p.m ng hapon. #DM