Editoryal

Paghahanda sa ECQ

Ilang oras na lang, ECQ na! Muli na naman nating ilalagay ang ating sarili sa apat na sulok ng ating tahanan. Muli na namang malilimitahan ang ating galaw. Dahil sa umiiral at mas nakahahawang virus na kumitil nang maramig buhay at kinakatakutan ng lahat, ang Delta variant COVID-19.

Ilang oras na lang, ECQ na!

Muli na naman nating ilalagay ang ating sarili sa apat na sulok ng ating tahanan. Muli na namang malilimitahan ang ating galaw. Dahil sa umiiral at mas nakahahawang virus na kumitil nang maramig buhay at kinakatakutan ng lahat, ang Delta variant COVID-19.

Marami ang nalilito pa rin sa klasipikasyon ng kwarantina sa kasalukuyang paghahanda. Gaya nang kaganapan sa Maynila at Las Piñas ngayong araw kung saan ay dumagsa ang mga tao na nagmula pa sa iba’t ibang lugar at probinsya na animo’y gustong magpabakuna dahil sa mga haka-haka na hindi raw papayagang lumabas ang mga wala pang bakuna at hindi rin mabibigyan ng ayuda.

Ito ay isang patunay ng misinformation dahil na rin sa mga naglipanang fake news na mahirap pa ring matukoy ng mga otoridad kahit na may mga batas ang tumutugon dito. Dahilan din ay ang mga troll kung saan ay kanilang pinapalaganap ang mga maling impormasyon tungkol sa mga hakbangin ng gobyerno at paninira sa mga politiko.

Marami na namang naglipanang balita ukol sa muling paghihigpit ng mga otoridad kaugnay sa kwarantinang muling iiral (huwag sanang lumabis ang mga ito sa kapangyarihan). May mga pag-uulat din ukol sa pagpayag para sa mga NON-APOR na maghatid-sundo sa mga APOR, mga requirement na kakailanganing ipresenta.

Panigurado, marami na naman sa atin ang magkakaroon ng kalituhan ukol dito. Kaya dapat maging maingat tayo at mapanuri sa pagbabasa ng mga balita sa online. Huwag makikinig sa sinasabi lang ng inyong mga kapitbahay at mga tao sa paligid. Sikapin natin na tukuyin ang mga kinakailangang impormasyon tungkol sa pagtatakda ng ECQ mula bukas, Agosto 6 hanggang 20.

Huwag po tayo mag panic buying sapagkat mananatiling bukas ang lahat ng pamilihan. Inaasahan din ng otoridad na muli tayong magba-bounce back matapos ang 2-week ECQ. Nawa’y hindi na ito mag-extend pa. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Paghahanda sa ECQ

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: