
Inaasahan na magsisimula na sa susunod na linggo ang distribusyon ng cash assistance para sa mga low-income individuals and families sa mga lugar na sakop ng enhanced community quarantine (ECQ), ayon sa isang opisyal ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ngayong biyernes, Agosto 6, 2021.
Sa isang panayam ng CNN Philippines kay DILG Spokesperson and Undersecretary Jonathan Malaya, ang Department of Budget and Management (DBM) ay maglalabas ng notice para pondohan ang alokasyon ng cash assistance o “ayuda”.
Aniya, makikipag-ugnayan ang DILG sa mga Alkalde ng concerned local government units sa darating na Sabado para pag-usapan ang pagsasaayos ng kani-kanilang tanggapan at kung kailan ang distribusyon ng ayuda sa kanilang nasasakupan.
Sa kaugnayan, may kabuuang P13.1 billion ang inaasahang maipapamahagi sa 10.7 million residents ng Metro Manila na nasa ilalim ng two-week ECQ.
Ang Laguna at ang mga siyudad sa Cagayan de Oro at Iloilo ay nasa ilalim din ng ECQ na tatagal nang hanggang Agosto 15, 2021. #DM
0 comments on “Cash aid distributions, magsisimula sa susunod na linggo – DILG”