Community News POLICE REPORT

Misis, nanawagan ng tulong pinansyal para sa kanyang mister na napuruhan sa aksidente sa motorsiklo sa Dasmariñas, Cavite

DASMARIÑAS CITY, Cavite --- Humihiling ng tulong pinansyal ang isang misis na si Donna Salazar para sa kanyang mister na si Regie Ganub matapos maaksidente ang minamaniobra nitong motorsiklo nang siya ay mawalan ng kontrol at sumalpok sa kahabaan ng Manggahan road Dasmariñas City, Cavite nitong Hulyo 29, 2021 ganap na alas 10:00 p.m. ng gabi.

DASMARIÑAS CITY, Cavite — Humihiling ng tulong pinansyal ang isang misis na si Donna Salazar para sa kanyang mister na si Regie Ganub matapos maaksidente ang minamaniobra nitong motorsiklo nang siya ay mawalan ng kontrol at sumalpok sa kahabaan ng Manggahan road Dasmariñas City, Cavite nitong Hulyo 29, 2021 ganap na alas 10:00 p.m. ng gabi.

Sa lakas nang pagkakasalpok ng kanyang motorsiklo, nagtamo ng major physical injury si Regie.

Ayon kay Donna, kinailangang putulin ang daliri sa paa ng mister dahil sa tindi ng pinsalang natamo nito sa katawan. Nagkaroon din ng fracture sa kaliwang kamay na kinakailangan ng agarang operasyon at makabitan ng bakal ngunit ito ay may kamahalan.

Agad namang naisugod si Reggie sa General Trias Doctors Medical Center sa bayan ng Dasmariñas, Cavite at doo’y nilapatan ang biktima. Dahil sa pribado ang naturang ospital at lumalaki ang kanilang bill, minabuti nilang ilipat si Regie sa ibang ospital para sa mas mababang gamutan.

Hulyo 31, 2021 ay nailipat si Regie sa Philippine Orthopedic Center sa Quezon City. Doon ay naoperahan ang kanyang paa.Sa ngayon, kakailanganin ni Regie ang tulong pinansyal para sa kanyang agarang paggaling at malagyan ng bakal ang kanyang kamay.

Aniya ng kanyang maybahay, naaksidente si Regie sa mismong araw ng unang kaarawan ng kanilang unica hija at ito ay lubos na ikinabigla at ikinalungkot ng kanilang mag-anak.

Para sa mga nais mag-abot ng tulong pinansyal, mangyaring makipag-ugnayan sa kanyang misis na si Donna Salazar sa kanyang official Facebook account na naka-tag sa ibaba.

Maaari ring ipadala ang inyong tulong sa pamamagitan ng Gcash account ng kanyang nakababatang kapatid na si Almira Salazar. Narito ang detalye;

Gcash Almira Salazar, 09486316042

BPI: Almira Salazar, 2859278232

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Misis, nanawagan ng tulong pinansyal para sa kanyang mister na napuruhan sa aksidente sa motorsiklo sa Dasmariñas, Cavite

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: