
TS Huaning, pumasok na sa PAR ngayong araw – PAGASA
Read Time:39 Second
Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang binabantayang Tropical Storm na namataan sa hilaga hilagang-kanluran ng Itbayat, Batanes ngayong Sabado ng umaga, ayon sa PAGASA.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!
Ang naturang tropical storm ay pinangalanan na Huaning na may international name na Lupit na pumasok sa PAR kaninang alas 5:00 a.m ng umaga.
Kaninang alas 3:00 a.m ng madaling araw, nasa labas pa ng PAR ang naturang bagyo na may maximum sustained winds na 65 kph malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 80 kph. Kumikilos ng mabagal ang bagyo sa east northeast na direksyon nito.
Inaasahan ang iba pang update ng PAGASA ukol sa lagay ng bagyong Huaning sa bansa ngayong araw. #DM
About Post Author
Diyaryo Milenyo
DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.