Editoryal Millennialista

PAGBALANGKAS NG MGA TERMINOLOHIYA SA EPEKTIBONG KOMUNIKASYON KAUGNAY NG PANDEMYA

ECQ, MECQ, MGCQ, GCQ with heightened restrictions, at APOR... Ilan lamang ang mga akronim o unang pantig ng mga salitang ito na ginagamit sa iba’t ibang klasipikasyon ng pagtatakda ng paghihigpit na kwarantina sa ating bansa sa tuwing nagkakaroon ng surge o pag-angat ng bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa partikular na komunidad, lugar at rehiyon.

ECQ, MECQ, MGCQ, GCQ with heightened restrictions, at APOR…

Ilan lamang ang mga akronim o unang pantig ng mga salitang ito na ginagamit sa iba’t ibang klasipikasyon ng pagtatakda ng paghihigpit na kwarantina sa ating bansa sa tuwing nagkakaroon ng surge o pag-angat ng bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa partikular na komunidad, lugar at rehiyon.

Bunsod nang nagpapatuloy na pandemya sa bansa, marami pa rin sa atin ang hindi nakababatid ng mga klasipikasyong ito. Mga terminolohiya, akronim o hindi pangkaraniwang mga salita na ginagamit ng mga otoridad at mananaliksik sa nagpapatuloy na pandemya sa bansa. Ang bawat lokal na pamahalaan at rehiyon ay may kanya-kanyang pagpapatupad ng paghihigpit ng seguridad at ordinansa sa kabila nang pandemya, lalo na ang mga lugar na may mataas na kaso ng COVID-19. Laganap na rin ang Delta variant sa ibang bansa at maging sa ating hangganan ay nakapasok na rin ang naturang virus. Maraming buhay na ang nagwakas dahil sa Delta variant o ang B.1.617.2 sa iba’t ibang bansa gaya sa US, India, at Malaysia kung saan ay nakapagtala nang matataas na bilang ng hawaan at mga nasawi sa naturang variant. Sa mga sandaling ito, binabantayan din ang isa pang virus na laganap sa Peru, ang Lambda variant o ang C.37 na tinuturing na “variant of interest”.

Nitong Huwebes, Agosto 5, dinagsa ng taumbayan ang Maynila at Las Piñas dahil sa maling impormasyon tungol sa diumano’y walang ayudang matatanggap ang bawat indibidwal na wala pang bakuna o hindi pa nakakapagbakuna. Kaya ganun na lang din ang pagkabigla’t dismaya ng mga lokal na pamahalaan sa sinapit ng taumbayan dahil lamang sa maling impormasyon na kumalat. At baka maging sanhi pa ito ng hawaan ng virus.

Fake news! Fake News! Ito ang mariing pahayag ng isa sa mga nangangasiwa sa pagtatakda ng mga paghahanda na dapat gawin ng bawat concerned LGU’s na huwag basta-basta maniniwala sa mga nagsilipanang mga maling balita’t impormasyon sa social media at iba pang online platforms na nagpapalaganap nito gaya ng mga troll o ang mga bayarang indibidwal para magkalat ng mga maling balita at ang paninira sa mga politiko.

Sa pagbabalangkas ng epektibong komunikasyon tungkol sa mga paghahanda sa sakuna, delubyo at pandemya sa bansa, mainam na dapat maihatid ng wasto at sakto ang mga alituntunin at dapat maunawaan ng bawat indibidwal sa pamamagitan ng deskriptibong pagpapaliwanag ng mga terminolohiyang gagamitin para matamo ang epektibong komunikasyon na madaling mauunawaan ng mga nagbabasa at nakikinig sa mga balitang lumalabas araw-araw. Dahil mabilis ang transisyon ng mga balita sa telebisyon, radyo at mga pahayagan ay nagkakaroon ng kalituhan din sa mamamayan kung ano nga ba ang dapat na maunawaan at gawin. Isa sa pinaka-epektibong pagpapahayag ng impormasyon ay ang paggamit ng mga salita o diyalekto sa partikular na rehiyon para sa mas katanggap-tanggap na pagbalangkas ng mga dapat nating mabatid, gawin, at sundin.

Alam niyo ba, ayon sa ating kasaysayan, ang pagiging watak-watak na kapuluan sa buong Pilipinas ang naging sanhi upang magkaroon ng pag-iibang anyo o “variation” ng mga salita, ito ay ang mga nabuong diyalekto. Samu’t saring diyalekto ang mayroon sa ating bansa. Isa sa mga epektibong hakbangin ay ang pagbalangkas ng mga salita na mauunawaan ng bawat komunidad, lugar, probinsya, at mga pangkat etniko sa Pilipinas. Gamitin ang diyalektong nakasanayan ng partikular na rehiyon para masagap at mabatid ang mga kinakailangang maunawaang impormasyon at hindi ang pagbalangkas ng salitang banyaga. Karaniwan nating naririnig at ginagamit ay ang salitang tagalog, bisaya, cebuano, bicolano, ilocano, kapampangan, at iba pa.

Sa komunikasyon tayo ay madalas nagkakaroon ng pagkakaiba at hindi pagkakaunawaan. Komunikasyon din ang magbubuklod sa ating lahat para ito ay sabay-sabay nating balangkasin. Komunikasyon na siyang tutugon sa maayos na pagtataguyod ng isang direktibang pagkilos at pagtugon sa panahon ng pandemya sa bansa.

Ngayong buwan ng wika, mahalaga ang paggamit ng epektibong komunikasyon, pagbaybay at pagbalangkas nito sa pakikipagtalas-talasan, pagbibigay impormasyon sa publiko, at ang pagpapahayag ng mga salitang bago sa ating pandinig at pagtukoy nito. Wika ang pinag-uugatan ng lahat kaya sa wika rin tayo dapat magkaisa at hindi sa ibang lenggwahe na tayo rin ang nahihirapang umunawa kung bakit nagkakaroon ng kalituhan sa lahat ng ating mga hakbangin. Unawain natin ang ating wika, at ang pagpapahayag nito sa mas agresibong pagtugon, direktiba, at deskriptibong pagpapaliwanag ng nais nating ipabatid at ibalangkas sa panahon ng pandemya. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “PAGBALANGKAS NG MGA TERMINOLOHIYA SA EPEKTIBONG KOMUNIKASYON KAUGNAY NG PANDEMYA

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: