Banner Story NEWS

Matapos mapanood ang old ‘call boy’ videos ni Isko; Duterte hindi magbibigay ng ayuda sa Maynila

Nagpasaring si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa isang good-looking na Alkalde sa bansa dahil sa mga hubad nitong retrato noong nasa showbiz industry pa ang Alkalde at hindi rin naiwasan na mapaisip ang mga manonood sa nakaraang Talk to the Nation ng Pangulo nitong Agosto 9.

Nagpasaring si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa isang good-looking na Alkalde sa bansa dahil sa mga hubad nitong retrato noong nasa showbiz industry pa ang Alkalde at hindi rin naiwasan na mapaisip ang mga manonood sa nakaraang Talk to the Nation ng Pangulo nitong Agosto 9.

Advertisement

“Kayong mga Pilipino, huwag kayong magpaloko diyan sa mga—mga padrama magsalita pati kung…Nakita ko nga sa Facebook kanina, lahat nang naka-bikini ang gago tapos may isang picture pa doon na sinisilip niya ‘yung ari niya.” Saad ni Pangulong Duterte sa kanyang weekly Talk to the Nation.

Ang Tinutukoy ng Pangulo ay si Mayor Francisco Domagoso na naka underwear sa mga retrato nito noong dekada 90s sa kasagsagan ng kanyang kasikatan sa showbiz at kung saan din siya napabilang na programang “That’s Entertainment” at sa mga nagawa nitong pelikula noon na may titulo na Exploitation (1997) at Mga Babae sa Isla Azul (1998).

Dahil sa laganap sa internet ang mga hubad na larawan ni Isko Moreno, sinabi pa nang Pangulo na, “Iyan ang gusto ninyo? Ang training—ang training parang…para lang, parang call boy. Naghuhubad, nagpi-picture, naka-bikini tapos ‘yung garter tinatanggal niya, hinila niya tiningnan niya ‘yung… Dapat magsali…magsama sila ni ano ni Paredes. Ganoon.”

“Ayan tingnan ninyo sa Facebook, nandiyan. Nandiyan ‘yung mga picture niya tapos ‘yung sinisilip niya ‘yung por… Iyan ang training ng presidente, maghubad at magpa-picture at magsilip, magyabang sa kanilang ari kagaya ni Paredes pati itong gagong ito.” Muling patutsada ng Pangulo sa mga larawang hubad ni Isko Moreno.

Mariing inihayag din ng Pangulo na hindi niya bibigyan ng ayuda ang isang siyudad sa bansa, ito nga ay ang Maynila.

“May isa akong siyudad diyan na hindi ko bibigyan ng power to distribute ‘yung ayuda simply because in so many instances, they cannot organize a… Wala, talagang every time…,” saad ni Duterte.

Sa kabila nang patutsadahang ito, kung bakit pinupukol ng mga kontrbersiya ni Pangulong Duterte si Mayor Isko Moreno ay dahil sa lumabas na isang survey na isinasagawa ng Pulse Asia research na inilahad sa kalagitnaan ng buwan ng Hulyo ng taong kasalukuyan, 14% ng mga respondents ang bumoto para kay Mayor Isko sa pampanguluhang halalan na sinundan naman ni Sara Duterte. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Matapos mapanood ang old ‘call boy’ videos ni Isko; Duterte hindi magbibigay ng ayuda sa Maynila

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: