fbpx
Thursday, April 25, 2024
Matapos mapanood ang old ‘call boy’ videos ni Isko; Duterte hindi magbibigay ng ayuda sa Maynila

Matapos mapanood ang old ‘call boy’ videos ni Isko; Duterte hindi magbibigay ng ayuda sa Maynila

0 0
Read Time:1 Minute, 53 Second

Nagpasaring si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa isang good-looking na Alkalde sa bansa dahil sa mga hubad nitong retrato noong nasa showbiz industry pa ang Alkalde at hindi rin naiwasan na mapaisip ang mga manonood sa nakaraang Talk to the Nation ng Pangulo nitong Agosto 9.

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!
Advertisement

“Kayong mga Pilipino, huwag kayong magpaloko diyan sa mga—mga padrama magsalita pati kung…Nakita ko nga sa Facebook kanina, lahat nang naka-bikini ang gago tapos may isang picture pa doon na sinisilip niya ‘yung ari niya.” Saad ni Pangulong Duterte sa kanyang weekly Talk to the Nation.

Ang Tinutukoy ng Pangulo ay si Mayor Francisco Domagoso na naka underwear sa mga retrato nito noong dekada 90s sa kasagsagan ng kanyang kasikatan sa showbiz at kung saan din siya napabilang na programang “That’s Entertainment” at sa mga nagawa nitong pelikula noon na may titulo na Exploitation (1997) at Mga Babae sa Isla Azul (1998).

Dahil sa laganap sa internet ang mga hubad na larawan ni Isko Moreno, sinabi pa nang Pangulo na, “Iyan ang gusto ninyo? Ang training—ang training parang…para lang, parang call boy. Naghuhubad, nagpi-picture, naka-bikini tapos ‘yung garter tinatanggal niya, hinila niya tiningnan niya ‘yung… Dapat magsali…magsama sila ni ano ni Paredes. Ganoon.”

“Ayan tingnan ninyo sa Facebook, nandiyan. Nandiyan ‘yung mga picture niya tapos ‘yung sinisilip niya ‘yung por… Iyan ang training ng presidente, maghubad at magpa-picture at magsilip, magyabang sa kanilang ari kagaya ni Paredes pati itong gagong ito.” Muling patutsada ng Pangulo sa mga larawang hubad ni Isko Moreno.

Mariing inihayag din ng Pangulo na hindi niya bibigyan ng ayuda ang isang siyudad sa bansa, ito nga ay ang Maynila.

“May isa akong siyudad diyan na hindi ko bibigyan ng power to distribute ‘yung ayuda simply because in so many instances, they cannot organize a… Wala, talagang every time…,” saad ni Duterte.

Sa kabila nang patutsadahang ito, kung bakit pinupukol ng mga kontrbersiya ni Pangulong Duterte si Mayor Isko Moreno ay dahil sa lumabas na isang survey na isinasagawa ng Pulse Asia research na inilahad sa kalagitnaan ng buwan ng Hulyo ng taong kasalukuyan, 14% ng mga respondents ang bumoto para kay Mayor Isko sa pampanguluhang halalan na sinundan naman ni Sara Duterte.

About Post Author

Diyaryo Milenyo Digital News

DIYARYO MILENYO is an autonomous and non-profit online media organization that reports local community events and current affairs of public interest, with both national and global relevance. Our team consists of volunteer journalists and community writers from diverse locations across the Philippines. Our primary objective is to report news and events as they unfold while adhering to journalism's highest standards and ethics. We maintain a strict stance against publishing content that attacks individuals and prioritize highlighting positive news.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %

BALITA Banner Story

You May Have Missed

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading