Press Release

31 ahensiya at LGU, tatanggap ng parangal mula sa KWF para sa kanilang mahusay na paggamit ng Filipino sa ngayong pandemya.

Tatanggap ang 31 ahensiya at LGU ng prestihiyosong KWF Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko para sa kanilang paggamit ng Filipino ngayong panahon ng pandemya sa pagtatapos ng Buwan ng Wika sa 31 Agosto.

Tatanggap ang 31 ahensiya at LGU ng prestihiyosong KWF Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko para sa kanilang paggamit ng Filipino ngayong panahon ng pandemya sa pagtatapos ng Buwan ng Wika sa 31 Agosto.

Kinikilala ng parangal ang mga ahensiya at LGU na tumatalima sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 (EO 335). Hinihimok ng nasabing EO ang lahat ng mga kagarawaran, kawanihan, opisina, ahensiya, at instrumentalidad ng pamahalaan na gamitin ang wikang Filipino sa mga opisyal na transaksiyon, komunikasyon, at korespondensiya.  

Para sa taóng ito, nagtuon din ang KWF sa naging pagkilos ng mga ahensiya at LGU sa paggamit ng Filipino sa panahon ng pandemya.

May apat na antas ang gawad mula 1 hanggang 4. Tatanggap ang sumusunod na ahensiya ng Selyo:

Unang antas: DBM, DAR, DOST, MTRCB, OPAP, JRMMC, Bayan ng Orion, Lungsod Parañaque, Lungsod Valenzuela, at Museo ng Pasig.

Ikalawang antas: DA, DOLE-BWSC, DOT, DENR, DepEd Central, DepEd Rehiyon V, DILG, MIAA, PCOO, PAF, at Bayan ng Marilao.

Ikatlong antas: DSWD, MMDA, QMMC, RMC, at Lungsod Sta. Rosa.

Ikaapat na antas: CFO, Lungsod Mandaluyong, Lungsod Maynila, at Lungsod Taguig

At sa unang pagkakataon, pagkakalooban naman ng KWF Selyo ng Dangal sa Serbisyo Publiko ang Korporasyong Pangkoreo ng Pilipinas (PHLPost) para sa kanilang huwarang paggamit ng Filipino sa buong bansa.

Iginawad ang pinakamataas na karangalan sa PHLPost para sa kanilang limang magkakasunod na taóng pagtanggap ng parangal mula 2016–2021.

Mapapanood ang online na parangal, 9–11nu, sa FB page ng KWF. ##

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “31 ahensiya at LGU, tatanggap ng parangal mula sa KWF para sa kanilang mahusay na paggamit ng Filipino sa ngayong pandemya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: