[by Rashid RH. Bajo]
KORONADAL CITY, Philippines –– Abot–langit ang tuwa ng mahigit 1,000 na mga residente ng tatlong Sitio (Blit, Lamdel at Bago) sa Barangay Ned sa bayan ng Lake Sebu sa probinsya ng South Cotabato dahil natupad na ang matagal nilang pangarap na magkaroon ng “water system” matapos ang mahabang panahon na paghihintay.

Natupad ang nasabing pangarap nila dahil sa inisyatibo at ginawang hakbang ni Deputy Speaker at South Cotabato 2nd District Representative Atty. Ferdinand “DINAND” Hernandez.
Ayon sa report, ang pag–access sa “potable water” ay matagal ng pangarap ng mga residente ng nasabing mga lugar at dahil determinado sila na tuparin ang kanilang pangarap, gumawa sila ng petisyon at isinumite nila ito kay Congressman Hernandez.
Ibinigay nila ang kanilang petisyon kay Congressman Hernandez dahil naniniwala sila na matutulungan sila nito. Hindi naman sila binigo ng nasabing kongresista.
“It has been their petition for a hydraulic pump to be constructed to service their area,” sabi ni Congressman Hernandez sa pinoste nitong mensahe sa kanyang social media account noong Agosto 6, 2021.
Ayon kay Congressman Hernandez, bilang tugon sa kanilang petisyon, kaagad itong nakipag–ugnayan sa tanggapan ng Department of Science and Technology (DOST) upang hingiin ang tulong ng nasabing ahensya para sa posibleng pag–implement ng Hydraulic Ram Pump project doon.
“In response, we contacted the DOST to request their assistance to undertake this project,” sabi ni Congressman Hernandez.
Positibo naman ang naging tugon ng DOST sa ginawang pakikipag–ugnayan ni Congressman Hernandez sa kanilang tanggapan.
Kaya noong Agosto 6, 2021, nagsagawa sila ng “groundbreaking” at pirmahan ng “Memorandum of Agreement” (or MOA) para sa “Hydraulic Ram Pump Project for Water and Sanitation” na nasa ilalim ng “Community Empowerment through Science and Technology” (or CEST) ng DOST sa nasabing barangay.
Kasama ni Congressman Hernandez sa nasabing seremonya sina DOST Regional Director Sammy Malawan, Mayor Floro Gandam Sr., 5th Special Forces Commanding Officer Lt. Colonel Zandro Alvez, 12th Special Forces Company Commander Captain Michael Clemente, ABC President Bernard Caat, Barangay Captain Nida Parañaque, Barangay Kagawad Lef Bantal at ang mga opisyal ng nasabing mga sitio.
Inaasahan na mahigit 1,000 na mga residente ng Sitio blit, Lamdel at Bago ang mabibigyan ng serbisyo ng nasabing proyekto.
“Through our initiatives, a total of 1,044 residents— 795 from Sitio Blit, 150 from Sitio Lamdel, and 100 in Sitio Bag-o— will soon be able to make use of water without having to worry about its cleanliness and their safety,” giit ni Congressman Hernandez. #DM
0 comments on “GOOD NEWS: Malayong barangay sa SoCot nagkaroon ng hydraulic water pump dahil sa inisyatibo ni Rep. Hernandez at tulong ng DOST”