Isko Moreno, iniluklok bilang bagong pangulo ng Aksyon Demokratiko

Read Time:2 Minute, 11 Second

Inanunsyo ng political party na Aksyon Demokratiko ang pagluklok kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso bilang bagong pangulo ng kanilang partido, ngayong Huwebes, Agosto 12, 2021.

Ang pagpupulong na ito ay dinaluhan ng mga opisyal nito kabilang na si Sonia Roco, ang co-founder ng Aksyon Demokratiko at ang party executive vice president na si Pasig City Mayor Vico Sotto.

“We agreed on the COVID-19 response then to providing jobs and livelihood at these times. We also agreed on the rule of law, focusing on education, housing, and health care. Aksyon is proud that Mayor Isko Moreno Domagoso was elected Party President,” saad ni Ernest Ramel, na inihalal din bilang bagong chairman ng kanilang partido.

Advertisement

Dagdag pa ni Ramel na karapat-dapat si Moreno na maihalal sa kanilang partido sapagkat, katangi-tangi ang kanyang track record, tangible accomplishment, at ang vision nito na kayang pamunuan ng Alkalde ang naturang partido para sa bayan, “We are confident that he will be able to help lead the party in its thrust to be a unifying force in an atmosphere of heavy political polarization.”

Sa parehong pahayag, malugod namang tinanggap ang desisyon ng mga kasapi ng partido na ihalal si Moreno bilang pangulo ng Aksyon Demokratiko.

“Nagkaroon kami ng maraming pagpupulong bago nila ako tinanggap at masaya ako na maraming alignments sa nais naming isulong sa Asenso Manileno, ang aking napapabilangang lokal na partido,” saad ni Moreno.

Aniya, kanilang tutugunan ang mga mahahalagang proyekto mula sa minimum basic needs, partikular ang housing projects, job creation, food security, edukasyon at ang pangkalusugan na pagtugon.

Matatandaan na kinansela ni Moreno ang kanyang oath taking ceremony noong Agosto 5, matapos na mag-alala ang Alkalde nang biglang dumagsa ang mga tao sa mga vaccination site sa Maynila na nais magpabakuna dahil sa mga fake news na kumalat na diumano’y kapag walang bakuna, walang ayuda na makukuha.

Bukod kay Moreno at Ramel, ang mga miyembro pa ng partido ay kinaaaniban ng mga sumusunod:

  • Vice Chairperson: Concepcion, Tarlac Mayor Andres Lacson
  • Secretary-General: former National Youth Commission Chairperson Leon Flores III.
  • Vice-President for Internal Affairs: Manila City Vice Mayor Honey Lacuna
  • Vice-President for External Affairs: Atty. Bobbit Roco
  • Vice-President for Women: May Lim
  • Vice-President for Youth: Councilor Kaye Ann Legaspi
  • Deputy Secretary-General: Jayson San Juan
  • Treasurer: Michael Roy Cuerpo
  • General Counsel: Atty. Normandy Baldovino, Jr
  • Executive Director: John Erdie delos Santos

Mananatili bilang executive vice president si Pasig City Mayor Vico Sotto.

Ang partidong Aksyon Demokratiko ay itinatag ni dating Sen. Raul Roco noong 1997.

Nakapag-sumite na ang naturang partido ng kanilang Sworn Information Update Statement sa Commission on Elections ngayong Huwebes. #DM

About Post Author

rbmreports

One of my expertise is to write stories for SMEs and make them published in digital and print. I also write Ad copywriting, slogans and taglines, Tagalog poems, and inspirational/motivational videos.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post 31 ahensiya at LGU, tatanggap ng parangal mula sa KWF para sa kanilang mahusay na paggamit ng Filipino sa ngayong pandemya.
Next post Duque: “Magtutungo kami sa kulungan kung ang lahat ng transaksyon ng DOH ay hindi dokumentado”
%d bloggers like this: