
Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ngayong araw, Linggo, Agosto 15, 2021.
“Nakaramdam ako ng kaunting ubo, kaunting sipon,” saad ni Moreno sa kanyang Facebook post.
Sinabi ni Moreno na siya ay symptomatic.
Aniya, magpapatuloy sa serbisyo ang lokal na pamahalaan ng Maynila.
“Kapit lang. Tuloy ang buhay. Tuloy pa rin ang gobyerno sa Maynila. Umasa tayo, magtiwala tayo sa Diyos, makararaos din tayo,” dagdag ng Alkalde.
Matatandaan na nagpositibo rin sa COVID-19 si Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna noong Agosto 8.
0 comments on “Isko, positibo sa COVID-19”