Entertainment

Jerald Napoles, napamura kay Sharon Cuneta

Mega ang saya ni Sharon Cuneta matapos ang isang linggong nag-number one sa Top Ten Content ng streaming site na Vivamax ang Revirginized na pinagbibidahan ni Megastar Sharon Cuneta.

Mega ang saya ni Sharon Cuneta matapos ang isang linggong nag-number one sa Top Ten Content ng streaming site na Vivamax ang Revirginized na pinagbibidahan ni Megastar Sharon Cuneta.

Marami ang nagtatanong ng sequel dahil may strong clamor ang Revirginized mula sa kanyang fans.

Nagsimula ang streaming ng Revirginized noong Agosto 6.

Advertisement

Sa nakaraang digital presscon ni Megastar noong Agosto 4, sinabi niya na gusto niyang makasama sa isang project si Jerald Napoles. Aniya, fan daw kasi siya ng boyfriend ni Kim Molina.

“This is SO TRUE. I have been a fan of Jerald Napoles since I watched him in a stage musical with my sister Ciara Sotto!” sabi ni Megastar.

“Sinabi ko na kay Jerald noon pa na gusto ko sya makasama sa work. Now naka-put-in na officially ang request ko kay Direk Daryll Yap at pinaaalam ko po sa @vivamaxph @viva_films @starcinema @abscbn @erikmatti @dondonmonteverde at sa buong mundo!” dagdag pa ng Megastar.

“Isa siya sa pinakamagaling na artista kahit saan mo ilagay, para sa akin. Si Kim Molina din napakahusay sana makasama ko din sya!” ani ngh Megastar.

“Pero ako na President ng Jerald Napoles Fan Club! Ang bait at nakakatawa pa ng taong ito! Congrats to you and Kim, Jerald!”

Napamura naman si Jerald nang mabatid niya ang mensahe ni Sharon para sa kanya.

“TANGENA !!! WHAAAAT !? Ma’am!! Grabe naman ‘tong sinabi n’yo!!! Pucha di ko alam sasabihin ko. Iyak muna ko MARAMING SALAMAT PO !” sabi ni Jerald.

Ang Ikaw at Ako at Ang Ending ay pelikulang dinirektahan ni Irene Emma Villamor na tumanggap ng mga papuri mula sa film critics na pinagbibidahan naman nina Kim Molina at Jerald Napoles.

Nag-umpisa ang streaming ng Ikaw at Ako at Ang Ending nina Jerald at Kim sa Vivamax nitong Agosto 13.

Nitong Sabado, Agosto 14, number one na ang pelikula nina Kim at Jerald. Pumapangalawa naman ang Revirginized. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Jerald Napoles, napamura kay Sharon Cuneta

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: